Chapter 40: Setting On To An Adventure
Jeremy's Point Of View
Naabutan ko si Enerie sa office niya na tulog. Hayss. Ano bang bago. Palagi namang ganito naaabutan ko dito eh. Kahit weekend trabaho lang ito ng trabaho.
Hindi ko nakita si Excell na naka standby sa labas nitong room kaya't medyo nagtaka ako. Saan naman kaya yun nagpunta?
Naglakad na ako padiretso tungo sa table kung nasan nakayukong tulog si Enerie kaya't masyado akong nagulat nung sandaling may nagtawag sa pangalan ko mula mismo sa kwartong ito.
"Jeremy." Sobrang seryoso ng boses nitong pag-uulit kaya't napalingon naman ako sa kanan ko at mula sa madilim na bahagi nitong room kung nasaan ang mga sofa, there i saw Excell completely sitted in a single sofa na nakatalikod mula sa akin.
Masyadong madilim kaya't hindi ko talaga namalayan na may tao palang nandito. I thought nagmumulto ang papa ni Enerie dito eh.
"What's wrong with you. Balak mo ba akong takutin?" Lumapit ako sa kaniya pero hindi man lang ito nag abalang lumingon, tumayo o pumihit man lang ng tingin sa akin at talagang nakaupo lang siyang nakatalikod sa akin sa sofang yun. "Are you some kind of an assassin or something?" Diba ganun yung mga napapanuod natin sa pelikula? Lalo na yung mga hollywood movies na sa madilim na bahagi talaga uupo para mas cool talaga ang vibe.
"Kanina pa kita hinihintay." Sagot lang ulit nito sakin. "Umupo ka."
Ano bang nangyayari sa taong to. Lumapit ako sa kanang side niya at napansin ko nga si Excell nga ito, hindi ito robot o voice recorder dahil legit na siya to. "What's wrong?" Tanong kopa.
Nagbuntong-hininga naman ito bago may tinuro sa harap niya lang kung saan din hindi niya maialis ang tingin niya. Sinundan ko ang direksiyon ng tinuturo niya just across the table infront of him, may naaninag akong isa pang pigura dun na nakaupo din kaharap kay Excell. Crossing his leg over the other habang nakapasok sa bulsa ng maitim nitong jacket ang dalawa nitong kamay. Nakasuot din ito ng itim na cap kaya't hindi ko kaagad napansin ang kulay dilaw na buhok meron siya.
Natigilan ako nang mapagtanto kung sino ang lalaking ito.
At nung sandaling hawakan ng lalaki ang switch ng lampshade sa gilid niya lang din, sabay hinila ito pababa, lumiwanag ang corner ng silid dito at nung mas maaninag kona ng malinaw ang mukha ng lalaki, biglang naging seryoso ang mukha kong tinititigan siya at palihim pa akong napalunok dahil sa hindi ko man lang napansin ang presensya ng lalaking to hanggang sa sabihin nalang sakin yun ni Excell.
Drake Vandal.
What's the meaning of this visit?
Alam kong nagkita na kami nun pero
"Anong kailangan niya sayo?" Kay Excell ako nagtatanong pero sa kaharap niyang nakaupo ang tingin ko.
"I'm not here for him." Bigla din namang sumagot si Drake at ramdam ko ang titig niya sakin. "I'm here for you."
"What do you want from me?" Tanong ko ulit. "Hindi paba sapat yung huling pagkikita natin? Nagpakilala kalang sakin nun, pero ngayong nagbalik ka, this must mean something else. A threat maybe?"
Natawa naman si Drake at saglit na natahimik. "It looks like, your already immune to threats, i guess." Pagkatapos ay tumayo ito mula sa kaniyang pagkakaupo at nakapamulsa pa rin na humakbang papalapit sa akin. At mukhang alerto din pala si Excell dahil mabilis din itong tumayo at mas matalim na tinitigan si Drake na ngayon ay nakalapit na sa akin ng tuluyan. Halos apat o limang pulgada lang ang tangkad nito kumpara sa akin kaya't bahagya akong napapaangat ng mata para lang mapantayan ang titig niya.
BINABASA MO ANG
War Of Ranks Online: Volume 3 [COMPLETED]
FantasiThis book is the Volume 3 edition of my finished story entitled "War Of Rank's Online". Find and read first the volume 1 and 2 is on my profile before proceeding here. The Summer Cup tournament is still not finished and we're already at it's peak so...