IAN's POV
Inilingan ko si Ino nang bigyan niya ako ng sleeping pills.
"Come on!" at inirapan ako.
"Hindi ganito kalala-"
"Aba! Baka mamaya fruit salad ang magawa mong cocktail... inumin mo 'yan para makatulog ka na dali."
Tumawa ako sa sinabi niya pero hinablot ko rin ang inaabot niya.
"Isang araw pa lang kayo, meet the parents agad?" Humalakhak siya. "At ano?! Baka mala MMK ang lovelife mo ha? Please lang..."
Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari sa bahay ni Mark.
I was so offended by how they look down on me. Pero iniisip ko pa lang ang nararamdaman ni Mark, ako na ang nasasaktan para sa kaniya. Ngayon ay nararamdaman ko na kung bakit care-free at outgoing siya sa mga kaibigan but when he's with me... he'd show me his other side.
Ilang araw na ako binabagabag ng nangyari. Unang tingin ko pa lang sa kanila, alam kong malabong tanggapin nila kami. O kahit... si Mark man lang.
They are homophobic.
I saw both disgust and confusion in their eyes. It was fucking traumatic.
Pumikit ako at bumuntong hininga.
Ang sakit na ang sa una kong relasyon, mararanasan ko agad 'yung ganito. I know I deserve more than this. I've seen worst in life and I did everything I could do to save me. Alam ko sa sarili ko na... babagabagin ako nito palagi.
Tama nga dahil kahit ilang linggo na ang lumipas, hindi matanggal sa isip ko iyon. Idagdag mo pa ang pagiging busy ni Mark.
Hinawakan ko ang kamay niya habang may katawagan siya sa cellphone.
I stared at his side profile.
Dahil sa hangin, isinantabi ko lahat ng negatibong naiisip.
This man is strong enough to fight his right and decisions. I hope he'll be like that forever but I'm not sure how long his patience can last.
I can't even see my future but now...
The sunlight array on his nose. His eyes are gleaming while his hair are being blown by the salty wind.
We're here in a bridge out of nowhere. Suddenly, I felt relaxed. Just by seeing him this close, all my conclusions are being scattered. I want to go with the flow.
"D'you still think about it?" Tanong niya.
Ngumiti ako at tumango. "Ganon pala sila... tulad ng sinasabi mo..."
"Don't worry about it. We don't need their approval." Sabi niya at pilit na ngumiti.
Sa 'yo Mark. Eh, sa akin?
Hindi ko masabi iyon sa kanya. Even if I try, nothing's coming out of my mouth.
Kahit ilang buwan ang lumipas naaalala ko ang nangyari. At hindi ko alam kung mangyayari pa 'yon sa susunod pero alam kong may posibilidad dahil maayos naman ang relasyon namin ni Mark. Halos wala kaming problema at hinahayaan namin maging sandalan ang isa't-isa. We're both open about things. Hindi ako kumportable sa nangyari at alam namin parehas ang nararamdaman namin dahil do'n. Pero may mga bagay rin talagang hindi ko magawang sabihin sa kaniya.
Nilingon ko si Ino na busy sa pag-aayos ng mga gamit niya.
"What about Mav?" Usisa ko.
"Don't even ask me. Aba tatlong linggo na ako hindi tinatawagan? Gago pala, itutuloy ko na talaga 'to!"
BINABASA MO ANG
Pagsamo | 𝘔𝘢𝘳𝘬𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬
Fiksi Penggemar"Hindi ako susubok kung hindi ikaw..." √ Finished - February 21, 2022 √ Written in English and Tagalog √ Edited Version • • • NOTE: The book is purely created in the author's mind. Some places in the book were real but most of it is not. This is not...