Mari's POV
"Uy. Sama ka mamaya sa *** bar?" tanong ni Aila. Graduate na kasi kami kanina lang at gusto daw nilang magcelebrate.
"Susunod lang ako. May konting salu-salo rin kasi sa bahay eh." sagot ko sa kanya.
"Ah. Nice to hear that. See you later Mari!" sabi nya at nagpaalam na para umalis.
Graduate na ako ng college, pero wala pa rin akong lovelife. Bakit? Kasi may mahal ako... pero di nya alam na mahal ko sya. Gwapo sya, matangkad, matalino rin. Marami ngang nagkakagusto sa kanya eh pero wala syang girlfriend. Ewan ko rin kung bakit.
Nagsimula na ang party sa bahay. Ang daming bisita ni Dad. Puro mga kasosyo sa negosyo. Pwede na siguro akong umalis.
"Dad, alis na ako. May konting celebration kasi ang barkada." paalam ko kay daddy.
"Okay nak. Mag-iingat ka. Magpahatid ka kay Ramon." sabi nya
"Sige dad. Thanks."
Pagkarating ko sa bar nilapitan agad ako ni Aila.
"Buti naman nakarating ka. Nanjan din ang grupo nila Patrick." nagulat ako sa sinabi niya.
Nandito rin si Patrick? Sya ang taong mahal ko.
"Let's start the party!" sigaw naman ni Yael.
Nag-inuman kami. Oo, kasali ako kahit hindi naman talaga ako umiinom. Para lang mawala tong sakit sa dibdib ko kasi baka ito na ang huling beses na makikita ko si Patrick dahil balita ko lilipad na sya sa America.
Nilapitan ako ni Patrick. Lasing na ako pero aware pa rin ako sa mga pangyayari. Nagulat na lang ako nang bigla nya akong halikan. At dahil nga lasing ako, hindi ko macontrol ang sarili ko. Kaya naman nagrespond ako sa mga halik nya.
"I want you tonight Mari." sabi nya at kinarga na ako papasok sa isang private room sa bar.
Hindi na ako tumanggi. Handa akong ibigay ang sarili ko para sa kanya. Kahit alam kong, GAGAMITIN NYA LANG AKO.
AND THE LAST THING I KNOW, I GAVE MYSELF TO HIM.
Nagising ako na may isang gwapong lalaki ang nakaharap sa akin. Niyuyugyog ko ang katawan nya para magising. Umaga na kasi.
"Patriciiiaa....." ungol ni Patrick
All this time pala, akala nya ako yung Patricia?