Chapter 49

299 23 46
                                    


Luis POV

May pupuntahan kami mamayang hapon ni Y/N

Magkakaroon kami ng monthly check-up sa aming anak pero bago lahat ay inayos ko muna ang cabinet niya habang naliligo siya. Ngayon na din namin malalaman ang kasarian ng bata kaya sabik na sabik na akong malaman ito

Habang nag-aayos ako ay may nakita akong isang maliit na kahon kaya inabot ko ito

Pagbukas ko ay singsing na may nakatagang 1940 sa gilid ng kahon. Mukhang matagal na to ah?

Pagtingin ko sa ibaba ng kahoy may nakasulat na pangalang andy

Sino ba tong si Andy? Bakit parang pamilyar?

Nag-isip isip ako hanggang nasagi sa isipang ko kung sinong Andy ang tinutukoy dito

Ang presidente? Bakit may singsing galing sa presidente?

Inikot-ikot ko ang singsing dahil mukhang napakamahal nito nang lumabas na si Y/N sa banyo kaya dali dali kong pinasok ang kahon ulit sa cabinet

"Tapos ka na pala, sige lalabas muna para makapagbihis ka" sabi ko at lumabas na

Hindi ako magsisinungaling buong araw ako natulala kung bakit meron siyang singsing galing kay Mr. Marcos

Y/N POV

Wala kaming ibang plano ngayong araw kundi ay pumunta sa clinic para magpa check up

Ngayon din namin malalaman ang kasarian ng anak ko

Babae kaya ito o lalake?

Nauna na akong maligo nang matapos ako ay lumabas akong nakita ang pagka biglang mukha ni Luis na parang nakakita ng multo

Binalewala ko lang ito at pinalabas siya dahil magbibihis pako

Matapos kong magbihis ay dumiretso na din kami sa OBGYN clinic

Sa buong byahe ay hindi na umimik si Luis

"Luis, may problema ba?" tanong ko

"Wala" yan lang naging sagot niya

Parang iba talaga eh

-

Andito na kami ngayon sa clinic

"Dok.." bati sa akin ng doctor

"Dok.. good afternoon" bati ko rin

"Ready na ba kayong malaman?" tanong ng doctor at tumango lang kami't ngumiti

"Ilang months nga ulit ito, dok?" tanong ni Luis kaya muling sinuri ng doktor at sumagot

"7 months" sagot nito at parang napaisip si Luis

"Ito na, gusto niyo bang malaman ang kasarian? O gusto niyo ng surprise?" tanong ulit ng doktor

"Gusto naming malaman" sagot ko

Mga ilang minuto matapos hinahaplos hapolos ang aking tiyan ay sumagot na din

"Lalaki"

Kay laki ng aking ngiti. Lalaki ang magiging unang supling ko

Matapos ang lahat tumayo na ako

Pero biglang umalis si Luis sa silid ng wala pasabi

Bigla nalang akong iniwan

Ano bang problema nun? Kanina pa yun ah?

"Sige salamat dok, sa susunod na buwan ulit" pagpapaalam ko

Lumabas na ako at sinundan si Luis

"Ano bang problema mo? Ang bastos moa ta, di ka man lang nagpasalamat sa doktor" galit kong pagsabi

"Sinong ama ng bata?" sumbat niya. Kitang-kita ko na galit na galit ito

"Putang ina Y/N! Sinong ama ng bata?" ulit niyang tanong

"Ano?" iyan lang ang nasagot ko

"Alam kong hindi iyan akin Y/N"

"Ano bang pinagsasabi mo Luis?"

"7 months kang buntis? Ano yun? Buntis ka na pala bago palang tayo nagtalik?" galit na galit talaga siya. Hindi siya mapakali, lakad siya ng lakad sa parehong posisyon

"May relasyon ba kayo ni Ferdinand?" tanong ni Luis

"Ano? Saan mo nanaman yan nakuha?"

"Y/N.. please, huwag mo na akong pinagloloko. Siya si Andy diba? Hindi ba???" pagmamakaawang mukha nito

"Luis...." Ito lang lumabas sa aking bibig

"Nakita ko singsing na binigay niya sayo. Nakita ko sa cabinet. Siya ba? Siya ba ama ng bata?" galit parin na pasabi nito at dumuko lang ako na tutulo ang luha

Wala akong masabi

Hindi ako umimik

Napuno na siya kaya bigla na rin siyang umalis

Iniwan ako

Iniwan nako ni Luis

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon