Epilogue

3.2K 102 14
                                    



"Mmm. . .T-yo! Theo!"

Hindi makapaniwalang tinignan ako ni Xandra nang marinig namin ang sinabi ni Alex. Masama ang tingin niya sa akin kaya naman napataas ang kamay ko ere na tila ba sumusuko ako sa kaniya.

"No, Theo. .   hindi mo pangalan ang unang salita ng anak ko." Masama ang tingin na ibinigay sa akin ni Xandra. Kinarga niya si Alex mula sa bassinet nito at tinignan ulit. "Say mommy, baby."

"Theo!" Alex giggled. "Theo!"

My heart jumped when I heard her words clearer. Hindi ako makapaniwala na tinignan si Xandra.

"Hindi Theo iyon!" giit niya.

"Babe, dinig na dinig mo naman. Hayaan mo na," saad naman ni Sandro na bagong dating pa galing sa paaralan. Nakita kong hinalikan niya ang tuktok ni Xandra kaya umiwas ako ng tingin dahil doon.

Pakiramdam ko ay may mabigat sa dibdib ko dahil alam kong kahit kailanman ay hindi na ako magkakaroon ng pag-asa kay Xandra.

Yes, It was true that I was into her, that I loved her so much, but I wouldn't destroy this family. I wouldn't destroy the friendship and I wouldn't break the heart of their angel—our angel.

Si Alex ang nagtatanggal ng sakit na nararamdaman ko. She was the light that I needed right now because everything was dull and gray. She was our angel and no one could ever change that. Kahit na ang katotohanan na mahal ko ang kaniyang ina.

Masaya nang nag-uusap ang mga magulang ni Alex kaya pakiramdam ko ay nawalan ako ng puwang sa silid na iyon. Aalis na sana ako nang hawakan ni Alex ang kamay ko gamit ang kaniyang malilit na saliri. "Mmm. . ." pinipilit niyang magsalita kaya naman hinihintay ko siya. I crouched and looked at her chubby cheeks. "Theo!" she said once again.

Again, my heart jumped in happiness because of that. Kinuha ko na siya sa kaniyang ina at masayang inilabas sa bahay. "Tama 'yan, baby. . . I am Theo," hinalikan ko siya sa pisngi habang isinasayaw kaunti. "Daddy Theo."

Nakita ko ang pagngiti niya dahil sa sinabi ko at sa pagkakataon na iyon ay nakaramdam ako ng saya sa puso ko. Seeing this little girl smile at me made me feel like I made the right decisions.

***

NAPANGITI AKO nang hawakan ni Alex ang kamay ko gamit ang maliliit niyang mga kamay. She beamed and her small teeth made me chuckle. She was too cute to be ignored.

"Daddy Theo!" she furiously called me when she noticed that I was not listening to her. Hindi ko kasi mapigilan ang pagtitig sa kaniyang cute na mga ngiti.

She really looked like her mother and it pained me sometimes,  but I couldn't look away from this cute little girl. She was too cute and too lovely to be ignored.

"Daddy!" saad niya ulit sa akin.

Natatawa tuloy na binuhat ko siya at ipinaikot ikot sa ere. She chuckled when I did that. "Stop, daddy! Stop!" tili niya pero hindi ko itinigil ang ginawa ko sa kaniya.

I was laughing the whole time while babying her. Wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam kapag inaalagaan ko siya. Totoong dahil sa kaniya ay nawalan na ako ng pag-asa sa kaniyang ina pero kahit ganoon ay masaya ako na nakakasama siya.

Lost Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon