Hey guys! Sorry sa super duper late update. Abala lang sa kaiisip kung paano makakapunta sa TRES concert ni DJP. Haha jk! Anyways, I'm baaaaaaack! *insert chichay's voice*
Btw, I have a new story but actually its not a real story. Tungkol lang sya sa mga kung ano anong bagay. So please support "QUOTES, ADVICES, WHOGOAT LINES ♥" marami akong mga "hugot lines" dyan. Dyan ako naglalabas e. Hahaha =) Enjoy :*
--------------------------------------------------------------
CRISTINA'S POVBigla nalang may bumusina sa labas. And yes. It's Aron. Remember, tonight is his very special night.
Lumabas na kaagad ako. At nakita ko sya na nakatayo sa tabi ng kotse nya. Itong lalaki na 'to. Sya yung lalaki na pinapangarap ko. Na kahit kailan e hinding hindi ko ipagpapalit kahit kanino. Sabi nga ni Joaquin sa Got to Believe, kahit magrebelde man ang mga robots hinding hindi ako magsasawang mahalin sya kahit na hindi ko naman alam ang nararamdaman nya para sakin.
"Ahmm.. Hi... So are you ready?" Tanong nya sakin.
"Syempre naman." Sagot ko naman na parang nahihiya. Pasensya na kabado lang.
"Let's go" sabi nya at binuksan na nya yung door ng car at inalalayan nya ko papasok. Syempre sa tabi nya ako pinaupo.
Nararamdaman ko? Kinikilig. Ohmyg! Hindi ko na kinakaya ang mga nagaganap dito. Bakit ba ang sweet mong lalaki ka ha?
"Thank you" sabay ngiti ko sa kanya.
"You're always welcome" sagot nya naman at ngumiti. Pagkatapos ay nag drive na sya papunta sa bahay nila.
------------------------
Inalalayan ulit ako ni Aron pababa at dumaretso sa back door. Ii-introduce pa daw kasi kaya kailangan galing sa loob."Ladies and gentlemen let us all welcome the birthday celebrant, Aron and his Princess for tonight, Cristina" Naring kong sabi ng speaker at nagpalakpakan ang mga tao. Agad din kaming lumabas at nag bow sa harap ng mga tao.
Nauna na dito sila Mom. Kanina pa sila dito. Nakita ko sila na nasa isang table kasama si Tita Elsa.
Naging mabilis ang gabing 'to. Parang ayoko na nga matapos e. Nagsimula na nga ang program at nagpa games, syempre kainan, birthday wishes, nag open na rin ng mga gifts. Isa nalang ang hindi pa nagagawa, ang mag Party! Pwede na daw mag party. Kaya naman nag puntahan na sa gitna yung mga tao para syempre sumayaw.
Tinignan ko si Aron na katabi ko na pawis na pawis. Ewan ko ba dito e malamig naman yung place. Kaya kinuha ko yung panyo ko sa bag ko at iniabot sa kanya.
"Here." Ngumiti ako at sabay abot ng panyo ko.
"Thanks" kunuha nya at ngumiti sakin. Agad nya namang pinunas yon sa mukha nya.
May babaeng lumapit samin.
"Hi! You must be Cristina. Pwede bang mahiram muna si Aron saglit? Sasayaw lang kami." Sabi nung babae na parang nagmamakaawa sakin. Baka umiyak pa kaya pinayagan ko na. Hahaha.
"Sure" sagot ko. Tapos ngumiti lang sya.
Si Aron naman hinila agad nung girl sa gitna pero tumingin sakin si Aron ng "Paano-ka-look" kaya tumango lang ako at ngumiti. Ang cute talaga nya. Hahaha.
Ang cute nila tignan dalawa. Nakakapag selos na nga e. Kaso wala naman akong karapatan. We're not together naman. So I don't have a right to be jealous.
Nagtatawanan sila habang nagsasayaw. Pero mukhang hindi ata nage-enjoy si Aron. Tingin pa din sya ng tingin sa'kin. Parang gusto nya na pigilan ko sila.
Since wala naman akong magawa dito, nag punta nalang ako sa table nila Mom. Makikipag kwentuhan muna ako habang busy pa yung isa dun.
"Hi My Princess. Enjoying the night?" Tanong sakin ni Mom. I kiss her and also Tita Elsa.
"Syempre naman po." Sagot ko habang umuupo sa vacant seat na nasa tabi ni Tita Elsa.
"Hija, pasensya ka na kay Joey ngayon lang ulit kasi sila nagkita ni Aron ko. Magkababata sila. Namiss ata ni Joey na makasayaw si Aron eh." Sabi ni Tita Elsa.
"Okay lang po." Sagot ko kahit naguguluhan na ko sa mga nagyayari dito.
Joey? Eh diba pangalan ng lalaki yon? Tsaka yun yung dahilan kung bakit late naka reply si Aron sakin kanina diba? Dumating daw kasi si Joey yung kababata nya. So, It means na Joey ang name nung girl na lumapit samin kanina at kasayaw ni Aron ngayon? Gandang Pangalan naman.
"Balik na po ako sa taas" paalam ko sa kanila at nag nag nod lang sila.
Natapos na rin mag sayaw si Aron at yung Joey "daw".
Naglalaro lang ako ng games sa cellphone ko. Walang magawa e.
"Psstt!" Sitsit sakin ni Aron. Ewan ko ba dito sa taong 'to. May pa sitsit pang nalalaman eh ang lapit nya naman sakin.
Tiningnan ko lang sya. Tapos umupo naman sya sa tabi ko.
"So sya pala yung Joey?" Ano ba 'tong mga tanong ko parang nagiging imbestigador naman ako. Hahaha
"Yup." Sagot nya na parang may halong kaba. Hahaha.
"Baka gusto mo syang ipakilala sakin?" Tanong ko.
"Bakit ko naman gagawin yun? Girlfriend ba kita?" Nakakainis to! Sasagot na sana ko ng bigla nyang pinutol yung sasabihin ko.
"Joke lang. Di ka naman mabiro. Syempre ipapakilala ko sya sayo. Eto na po ma'am" nakakainis talaga 'tong lalaki na 'to! Hindi na nakakatuwa yung mga biro nya.
"Joe, this is Cristina. Sya yung kinukwento ko sayo. And Cristina, this is Joey my kababata" kinukwento nya ko kay Joey? Ano kayang kinukwento nya about sakin? Nevermind.
"Hi Cristina! It's nice to finally meet you. Sorry nga pala sa abala kanina ah? Namiss ko lamg si Kulet. Hahaha!" Bati ni Joey na may malaking ngiti sa mukha. Mukhang mabait naman sya.
"Hello. Ah hindi, wala yun. Nice to meet you too." Bati ko kay Joey at nginitian ko lang sya.
"Ah.. Girls.. Exit muna ko ah? Kuha ko lang kayo ng maiinom." Sabay alis na ni Aron. Iwan daw ba kami dito eh nakakahiya kaya dito kay Joey di pa naman kami masyadong magkakilala tapos iiwan nya nalang kami dito basta basta. Awkward.
"Ahm.. Alam mo Cristina sa tingin ko mukhang magkakasundo tayo." Sabi nya.
"Ah.. Teka, hindi pa nga tayo ganong magkakilala ah. Pero sa tingin ko kilalang kilala mo na ko." Sagot ko. Ano ba 'to? Nagka amnesia ba ako at hindi natatandaang naging close kami? Hahaha.
"Si Aron kasi eh. Masyadong madaldal. Ang daming nakwento sakin about sayo. Marunong din ako mag piano" sabay tawa nya na parang naeexcite.
Naalala ko sinama ko nga pala si Aron nung nagpiano ko. Madaldal nga to. But good thing na mga magagandang bagay naman yung kinukwento nya kay Joey. Hahaha.
"Ah.. Nakwento nya pala." Sagot ko.
"Alam mo ba hangang-hanga si Aron sa mga marunong mag piano. Kasi alam mo ba na ang pagpa-piano ang hindi nya inatempt na matutunan at pag-aralan? Hahaha" at nagtawanan nalang kami. Kaya naman pala tulaley sakin nung nag pa-piano ako. Hahaha.
"Ehem! Mukhang nagkakasiyahan na kayo dyan ah?" Nagulat kami ng biglang may nagsalita. Si Aron pala. Hindi nalang kami sumagot ni Joey at nagtawanan nalang kami. Parang nao-OP na nga si Aron eh. Hahaha ang cute nya tignan!
BINABASA MO ANG
True Love
TienerfictieSa una wala syang pakialam sayo. Sa una binabalewala ka lang nya. Sa una parang hindi nya alam na nag eexist ka. Pano kung magbago lahat yan? Pano kung pansinin ka nya? Pano kung mag "care" sya sayo? At Paano kung MAHALIN ka rin nya? Pero may proble...