MEDAL

10 1 0
                                    

MEDAL

Written By: Angel May Sinon

“Anak pabutihin mo yung pag aaral mo para ma valedictorian ka.” payo saakin ni inay

Linggo ngayon kaya balak ko sana pumuntang mall. Baka hindi papayag si inay

“Inay may sasabihin pala ako” yumuko ako dahil nahihiya akong tumingin sakanya “Pwede po bang aalis ako? Pupunta lang ako sa mall” huminga ako ng malalim at saka tumingin sakanya.

“Anong gagawin mo doon anak? Diba sabi ko sayo mag aral ka muna!” saad naman niya

“Mag aral naman po ako pero ubos na kasi yung mga papel ko.” nag makaawa ako ni inay baka sakaling payagan ako

“Oh sya sya mag bihis kana don. Wag kang mag tagal.” anito nakahinga ako ng maluwag saka yumakap sa kanya “Kapag ginabi ka sa labas ka talaga matutulog” pananakot niya saakin

“Salamat inay” saka hinalikan siya sa noo

Mabilis akong pumasok sa kwarto at nag bihis. Kinuha ko muna yung maliit na kahon. Nakita ko don yung suklay‚ pulbo at saka lotion.

Mabilis kong inayos yung sarili ko at bumaba. Humingi ako ng pera ni inay kaso kuripot siya kaya don nalang ako huminga sa wallet niya.

Palihim akong umalis baka mag bago isip niya. Naka para na ako ng taxi wala na kasing bus. 

Ilang minuto ay naka rating na ako sa pupuntahan kong mall.

Habang pumili ako ng mga gamit na agaw atensyon ako sa isang medal?

Tiningnan ko iyon at sakto nga medal yun.

“Napaka hirap mag aral tapos pwede lang pala bilhin yung medal HAHAHAH. Umiyak pa ako noon dahil wala akong medal tapos nandito lang pala sa mall? Tapos naghahalagang 25 pesos?” sigaw  ko sa mall nag si tinginan naman ang mga tao dito.

MEDALWhere stories live. Discover now