Gale's POV
"Meron ba kayong kanta diyan na makabasag puso? Ha? Ha?" Aria said while crying. Naikwento na sa akin ni Tyrone kung bakit nagkakaganito si Aria and to be honest, I pity her. Pakiramdam ko ay iiyak na rin ako any minute by just watching her crying.
"Hindi ba uso ang mga kanta dito, ha? Wala ba dito 'yong pusong bato? 'Yong ganito, 'di mo alam dahil sa'yo ako'y di makakain. O kaya 'yong kanta ng Aegis, 'yon bang ang halik mo, namimiss ko? Pwede rin naman 'yong kanta sa Frozen, 'yong let it go, let it go, can't hold it back anymore? Wala ba kayong mga gano'n na kanta dito, ha?" Nakatingin lang kami sa kaniya habang patuloy siya sa pag-iyak at pagkanta. We all know na kailangan niyang ilabas ang sama ng loob niya para mabawasan 'yong pain na nararamdaman niya.
"Wala man lang kayong alak dito? Alam niyo kasi sa mundo ng mga tao, alak ang karamay ng mga tulad kong sawi. 'Di ba, Tyrone? Wala ba sila no'n dito?" she said. Of course alam namin ni Derreck ang alak na tinutukoy niya dahil kami ang nagsilbing Zana nila sa mundo ng mga tao. Pero dito kasi sa Elemental World, walang gano'n.
"Jusko! Ano ba naman itong ini-emote ko. Dapat nga ay maging masaya ako, 'di ba? Kasi hindi ako mamamatay agad. Dapat nga ay magpa-fiesta pa ako 'di ba? E bakit mukha akong nagluluksa?" This time, Tyrone hugged her.
"Stop crying, Aria. Tahan na," he said. Ako, hindi ko na rin napigilan ang umiyak.
"Magiging okay din naman ako, 'di ba? Hindi naman tatagal ang pag-iinarte ko na 'to e. Makakamove-on din naman ako. Tama naman ako, 'di ba?" This is what I like with Aria. Masyado kasi siyang bubbly at talagang masayahin siyang tao. Kahit na nasasaktan na siya ay nagagawa niya pa rin ang magbiro at maging positive.
"You'll be fine, Aria. Someday, you will," I said while wiping my tears.
"Ay jusme! Bakit ka umiiyak Gale?! Sino'ng talipandas ang nagpaiyak sa'yo, ha?" she muttered before she hugged me.
"Ramdam kita, Gale pero dapat, tayong mga magagandang babae ay hindi nagpapaapekto. Pasasaan ba't magiging okay din tayo. 'Wag kang mawalan ng pag-asa lalo naman nang 'wag na 'wag kang mawawalan ng ganda. 'Yan ang tanging susi natin. Okay?" Hindi ko na napigilan ang matawa sa sinabi niya. Even Tyrone ang Derreck started to laugh. Seriously?! Broken hearted siya diba? How can she manage to talk like this?
"Ang taray! Kanina lang ay ang lulungkot ninyo tapos ngayon ay galak na galak na kayo. Anmeron?" She confusely asked and we doubled in laughter.
"Prinsesa Aria, ang lakas mong magbiro!" Derreck said while laughing so hard which makes Aria's brows to knot.
"Nagjoke ako?" she asked while looking at me. This girl is really unbelievable!
"Haynako! Tumigil nga kayo sa kakatawa diyan. Aba, nag-iinarte ako ngayon. Damayan niyo naman ako hindi 'yong ganyan kayo. 'Wag kayong magalak sa kasawian ko. Sabi sa bible, makigalak kayo sa mga nagagalak at siyempre ang kabilagtaran no'n ay makiluksa kayo sa mga nagluluksa," she said and even if she didn't crack a joke, we still laugh.
"Kaloka kayo!" she hissed. Ilang minuto pa yata ang lumipas bago kami tumigil sa kakatawa.
"Prinsesa Aria, magiging okay ka rin. Alam namin at sigurado kami diyan. Marami na rin naman sa Elemental people ang dumaan sa ganyan but still, okay na sila ngayon," Derreck said. Bigla akong napatingin kay Tyrone. He's currently holding Aria's hand.
"Hoy Tyrone, ano 'yan?" I said while pointing their hands.
"Oo nga Ty, ano ito? Holding hands while crying ang peg?" Aria asked and for the nth time, we laughed. Holding hands while crying?! Aba matindi!
"Pasensya na," Tyrone replied before he let go of Aria's hand.
"Nako, umamin ka nga sa akin Tyrone. May pagnanasa ka ba sa akin?" she asked. Aba! Pagnanasa talaga ang ginamit niyang term? Baliw talaga ang babae na 'to.
BINABASA MO ANG
Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)
FantasíaIn order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someone who belongs to other Elemental Kingdom. If you do, you'll die. This is a story that will make you think if in what Elemental Kingdom do yo...