The Beginning

13 1 8
                                    










"Ravennnnnnnn! na miss kitaaaaaaaa! " agad ako nagulat nung pag pasok ko sa gate ng school isang mahigpit na yakap sumalubong saaken na parang hindi na ako makahinga, "j-jel h-hindi ako makahinga," 

"ay sorry..Ikaw nman kase alam mo naman gaano ako sobra nag alala sayo 3weeks ka kaya absent kakaloka ka! " pinalo niya ako sa braso at bigla siya umiyak "WAAAAHH! raven buti gumaling kana huhuhu WAAAAAH " niyakap niya ulit ako pero wala tigil ito sa pag iyak 


yung uniform ko puno ng luha... "jel tahan na wag kana umiyak" agad naman ito umalis sa pagkayakap saken, si jel ang naging  bestfriend ko nung simula lumipat ako sa school na ito lagi siya nasa tabi ko at lagi kami nag uusap at kumakain pag lunch simula nung nagkasakit ako at dinala sa ospital lalo siya nag alala sakin di siya makadalaw dahil meron siya trabaho at madami gagawin sa school kaya ganun niya ako na miss..kinuha niya ang panyo nya sa bulsa at suminghot na malala 

pinag titinginan kami ng mga estudyante dito dahil ang lakas niya mag singha ng sipon kahit kailan talaga babae na ito hayys "so tara na na mimiss ka ng mga requirements mo dapat gawin at na missed mo pa yung 3rd quarter exam natin madame kapa gagawin assignments galing kay sir terror tiyak mahirap iyon tyaka madame kapa quiz tatapusin bawat subject at- " agad ko siya pinatigil sa dami sinabe niya...simula nung nag ka sakit ako kinausap ako ni papa na magtratransfer ako iba school dahil nakahanap siya bago trabaho kung saan malapit sa school papasukin ko tinanong ko siya kung ano name ng school sinagot lang saakin "malalaman mo din pag punta natin doon" 


tinignan ko si jel na may bahid na lungkot "jel lilipat ako ibang school, bukas na ako aalis kaya pumasok ako para kunin mga files need ng school papasukin ko " sabi ko sakanya,


"WHAT BAKIT!? " lahat ng tao napatingin saamin direksyon 


"may nahanap na bago trabaho ang papa ko malapit sa school kaya dun niya ako gusto ilipat para mabantayan niya ako ayaw niya siya yung aalis at iiwan ako sa lugar na ito gusto niya magkasama kami,sorry jel kung aalis ako " pag pa umanhin ko,hinawakan ako ni jel sa kamay at napapansin ko pinipigilan niya ulit mapa luha  

"raven tandaan mo wag moko kakalimutan ,sayang naman na konti panahon kita makakasama at ikaw yung transferri naging kaibigan ko tas mag tratransfer  ka ulet hayys basta! siz chat moko sa messenger ah or Vc tayo! " nagyakapan kami pareho...pagkatapos nun sinamahan ako ni jel sa faculty office at pinuntahan ang homeroom teacher namin si ms.che hiningi ko mga files at requirements na kailangan ko dalhin sa bago ko school 


"raven bumisita ka ah! " hinatid ako ni jel sa labas ng gate, natanaw ko si papa at binusina ang sasakyan dala niya,agad ko niyakap mahigpit si jel at kumaway nung pag kapasok ko sa kotse.
umuwi muna kami sa bahay para mag impake ng gamit para ready na lumipat bukas kase sinabe ni papa na may nirentahan siya bahay malapit sa trabaho niya at walking distance lang gagawin namin 












   " Pa kanina  pa tayo bumabyahe gaano ba kalayo yung pupuntahan natin.." bored ko tanong sinandal ko ulo ko sa bintana ng shot gun seat at tinignan ang paligid,wala ako nakikita kahit ano kase highway nasa lib lib kami ng kakahuyan pero meron daanan parang nasa horror movies lang kami nagtataasan puno ang nakikita ko at may- 


"teka ano yun? " meron ako nakita malaki usa at malaki sungay nito at madami sila pero ano ginagawa ng mga usa dito sa lugar na ito wala naman malalaki usa sa pilipinas  at rare lang ako nakakakita ganito in personal? weird  


tinignan ko si papa na busy nakatingin sa daan...bakit parang may kakaiba meron sa paligid na ito? hays tinignan ko ang phone ko ichachat ko sana si jel kaso low bat na nakakainis naman,naka simangot ako dahil nakakabagot na bigla ako nakatulog na wala sa oras nagulat nalang ako na tinatapik ako ni papa sa pisngi kaya nagisng ako 

"gising na nandito na tayo" nauna lumabas si papa bago ako,nung pagkalabas ko namangha ako sa paligid, wow ganito ba kalaki bahay rerentahan namin parang mansion ng mga montefalco ganito yung bahay ng isang montefalco sa wattpad story nabasa ko sa libro mga pamilya mayayaman ang nakatira sa ganito lugar 


"home sweet home" tumingin ako kay papa na may pagka gulat "Oh bat ganyan reaksyon mo,haha rerentahan lang natin ito dahil bahay ito ng isa ko matalik na kaibigan," 

"pa mansion yung rerentahan natin hindi bahay! " pagtatama ko tawa lang naisagot ni papa at nauna pumasok sa loob kasama mga bagahe kinuha ko bag ko at agad siya sinundan....may napansin ako malaki fountain kaso madumi tubig nandun pero para saakin maganda parin siya tinignan ko din mga halaman nakatanim kaso patay na sila,wala ba nag aalaga sa bahay na ito? bat wala ka tao tao 

Arcane Academy and the RoyaltiesWhere stories live. Discover now