Chapter 50

310 32 53
                                    

Ferdinand POV

Kakatapos lang ako sa aking isang meeting nang nilapitan ako ni Imelda

"Sweetheart, look what I just read" habang turo turo ang diyaryo

Lumapit naman ako at binasa ito

(1966) DRA. Y/FN JUST GAVE BIRTH TO A HEALTHY BABY BOY TODAY AT 5:15 AM

Nanganak na pala si Y/N. Mabuti naman

Masaya ako para sa kanilang dalawa ni Luis

Tinawag ko si Paco sa opisina nito

"Hello, this is Dr. Marcos, how may I help you today?" bati nito

"Pacifico, si Ferdinand to" pakilala ko

"Oh, Macoy! Alam mo na ba ang balita?"

"Oo nga eh, kamusta na ba siya? Pwede ba kaming bumisita jan?"

"Huwag na muna siguro Ferdinand. Andito mama niya"

"Ganun ba? Ah sige sige, ikamusta mo nalang ako"

"Pacifico! Come, the baby's here" narinig kong sigaw sa kabilang linya. Si mama ba yon?

"Andiyan ba si mama?" tanong ko

"Oo, o sige na Macoy mauna na kami. Nailabas na yung bata galing incubator"

At binaba na niya ito

Nakakapanghinayang na hindi ako makapunta

Luis POV

Dalawang buwan na kaming di nagkikita ni Y/N

May mga sulat siyang pinapadala pero hindi ko na ito sinasagot

Alas 3 ng umaga at bago lang ako nakauwi galing sa taping naming ni Gloria

Pagbaba ko pa lang ng aking mga gamit ay nakatanggap ako ng tawag sa telepono kaya sinagot ko ito

"Hello?"

"Luis, si Rosa ito. Manganganak na si Y/N, papunta na kami ng ospital"

Napag-isip isip ko kung pupunta ba ako

Wala naman din akong obligasyon sa bata dahil hindi to akin pero nakakakonsensya

Inaalagaan ko si Y/N ng ilang buwan at basta basta ko lang siyang iniwan

"Sige, magbibihis muna ako. Pupunta na ako jan"

-

Pagdating ko sa hospital ay nakasalubong ko si Pacifico

"Oy, andito ka na pala. Samahan mo muna dun si Rosa, pupuntahan ko muna si Y/N sa operating room"

Kaya naman ay tumungo nako kay Rosa

Nag-usap kami kaunti at nadatnan ako ng antok kaya nakaidlip muna ako

Ilang mga oras ay ginising ako ni Rosa

"Lumabas na daw yung bata, ililipat na nila si Y/N sa isang room"

Tumango lang ako at sinundan ito patungo sa kwarto ni Y/N

Pagdating ko ay nakita kong nakahiga na si Y/N sa kama. Mahimbing na natutulog

Pumasok saglit ang doctor at sinabing "The baby will be here shortly" at ulit na ding lumabas

Nagpaalam din muna si Rosa na uuwi muna siya kasi kukunin niya ang ibang gamit ni Y/N at tumango lang ako

Ako na muna magbabantay dito

Habang naka tulog ako sa gilid ng kama niya ay may pumasok na Ginang

Si Donya Vicenta

Nabigla ako nang nakita ako

"Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko sayo layuan mo na ang anak ko?" pabulong nitong pagsabi para hindi magising si Y/N

"Hinding hindi mapapa saiyo ang anak ko. Magpapakasal na siya sa susunod na buwan kay Greg kaya ako pa sayo umalis ka na dito"

Sino si Greg? Ito ba yung sikat na mayaman na kinukwento sa akin ni Gloria?

Hindi ko na alam anong isasagot ko kaya umalis nalang ako

Ito na ata ang huling pagkakataon na makikita ko si Y/N

Paalam

Mahal na mahal kita

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon