"Are you okay? gusto mo bang lumabas muna tayo baka naiingayan ka dito sa loob"Halos pasigaw na akong tanungin ni Travis sa sobrang ingay at lakas nang music sa paligid. He is wearing a white polo top na naka fold ang sleeves hanggang siko paired with
black pants and his Hermes belt. He is also wearing his black smartwatch and silver chain necklace.Napaka simple pero napaka lakas nang appeal!
I leaned closer to Him so that we could hear each other better.
"Okay lang ako Doc." I responded and sipped on my glass. Nakasanayan ko ng tawagin siyang 'Doc' dahil yun ang tawag ko sa kanya sa trabaho, kaya kahit ayaw niya eh wala na rin siyang magawa.
Nilibot ko ang tingin sa bar at tinignan ang bawat galaw ng mga tao sa paligid. May mga sumasayaw sa dancefloor, naglalandian, naghahalikan at yung iba ay nagpapakalasing sa alak.
Almost 2 hours na rin kami ng mga kasama ko dito sa bar ng cruise at sa dalawang oras na yun nandito lang ako sa sulok, tinitira ang cocktail drinks na inorder ng mga kasama ko.
"Are you sure?" tanong niya ulit, making sure na okay lang talaga ako.
Travis is a sweet and caring type of a person kaya nga madaming nagkakagusto sa kanya. Sa loob ng ilang taon na magkakilala at nagkakasama kami ay nasasanay narin naman ako sa ganyang ugali niya.
I was about to answer him when suddenly a girl stood up in front of us and greeted him.
"Hey Travis! Buti nalang I found you na! I was searching for you kanina pa" Conyo at maarte nitong bati kaya napatitig naman ako sakanya.
She has a fair white skin and a brat 'ish' type of vibe dagdag mo pa ang conyo niyang pananalita. She looks stunning wearing a faux fur crop jacket with a silver fitted dress inside paired with a black stiletto.
Pang model ang datingan!
Agad din naman na binati ito ni Travis at nakipagbeso dito. I slightly moved in my seat to give her some space kaya naka upo ito.
"How's the party? I hope you're enjoying it Nat" nakangiting saad ni Travis
"Of course I do! The party's really fun lalo na at you were the one who held it no. Oh! By the way here.."
May inabot itong box na may nakataling silver na ribbon. I bet relo ang laman nito dahil sa liit at hugis nito
"...my gift, Happy Birthday! " dagdag pa nito
"Thanks Nat! " Masaya namang tugon ni Travis.
Nakatitig lang ako sa dalawang nag uusap ng napatingin sa gawi ko si Travis at bigla akong ipinakilala.
"Natalie this is Madis-"
"Hi!! Im Natalie Grace Rivera! Im an International model and you can follow me pala on Instagram! @NatGrace and NattyRivera on snapchat"
Travis was cut off in introducing me when Natalie introduced herself kaya napa iling nalang ito. Tinanggap ko naman ang kamay na nilahad niya at nag pakilala na rin
" Im Madisun Paige, Im a Nurse"
Her mouth formed an 'o' nang magpakilala na ako. Maybe shocked by the fact na may kasamang nurse si Travis since puro Doctors at mga kilalang tao lang naman ang mga in-invite dito sa party.
BINABASA MO ANG
Sueño De Olas - Dream of Waves
Teen FictionMadisun paige is always helping her parents with their 'business' until she met Ernesto Jace DelaCruz II son of a richman and politicians. Will she be able to finish her missions?