Hanggang kailan ko kailangang magpaulit-ulit
Sa paghakbang, pagtakbo, at paghabol sa iyo
Hanggang saan aabutin ang lakas kong ito
Maabot lang ang taas mo.Hindi ko alam kung kailan at saan ka hihinto,
Walang kasiguraduhan kung tatanggapin mo muli ako
Hindi ako titigil, dahil alam ko na maipaglalaban kita
Hindi ako titigil dahil alam kong mahal kita.Ngunit di ko alam kung ano ang sa iyo,
Ang tinatakbo ng puso't isipan mo
Palagi kong iniisip kung mahal mo pa rin ako
Sa kabila ng lahat nang nagawa ko sa iyo.Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako
Kahit na pahirapan mo ako ng paulit-ulit,
Patuloy akong lalapit at po-protektahan ka
Kahit na ako'y bumagsak at maglahong hininga.
BINABASA MO ANG
Starting Over Again
RomanceIt is just a story about a man and woman that started falling in love again.