CHAPTER 14 : IN TROUBLE

1K 35 1
                                    

-+

CHAPTER 14 : IN TROUBLE.

UMAGA NA. NAGISING AKO SA TAMA NG LIWANAG SA AKING MUKHA. Tulog pa rin si Marcaux. Nakaharap siya sa akin. Parang inosente ang mukha niya kapag nakapikit. Para bang ang isang gaya niya ay walang kaalam-alam sa marahas na gawain. Napapaisip tuloy ako kung totoo ang nangyari kagabi. O baka isang panaginip lang.

Dumilat na siya at ngumiti sa akin. Inilipat ko ang tingin ko. Ayokong mahuli niyang pinagmamasdan ko siya.

"Masakit pa ba?" Ang tinatanong niya ay ang kalamnan kong pinasukan niya kagabi.

"Medyo." Tumayo siya matapos marinig ang sagot ko. Naglakad sa harap ko at dumiretso sa trash can.

"Oh, heto ang kutsilyo. Itinatapon ko na." Pinakita niya sa akin ang dalawang kutsilyo habang tinatapon ito.

Lumapit siya sa akin at bumulong. "Isipin mo nalang panaginip ang lahat." Isang halik na naman ang natanggap ko mula sakanya.

"Namumuro ka na." Panay ang hipo at halik niya sa aking katawan simula kagabi. Kalabisan na ata iyon. Natawa siya. "Eh? Diba ang usapan, akin ka?" Oo na! Ako na ang slave mo. Pagaari mo na ako.

Napalayo siya ng makarinig kami ng katok mula sa pinto.

"Ikaw na ang magbukas." Utos niya. Kaya tumayo na ako at dumaan sa kanyang harapan. Pero ilang hakbang pa lang ay hinatak niya ako. "Mas mabuting tayo lang ang nakakaalam kung anung mayroon tayo." Pinakawalan niya ako at tinapik sa likod. Hindi ko naman inintindi iyon. Alam ko ang bagay na iyon dahil ang lihim ko ang nakasalalay doon.

Binuksan ko ang pinto. Ngiti ang bati sa akin ni Kent.

"Tara. Magbreakfast na tayo." Kinuha ko ang kanyang kaliwang kamay para tignan ang oras. 7 am na pala.

"Aah.. sandali lang. Pasok ka muna."

"Ah.. hindi na. Dito nalang ako maghihintay." Ngumiti ako at tinapik siya sa balikat.

SA CANTEEN. Gaya ng inaasahan. Kasama kong kumain ang mga kaibigan ni Kent.

"Oh? Ang dami naman niyan Rain!" Rain ang tawag nila sa akin. Pauso ni Domino. Ang leader ng DNA Band.

Marami kasi akong inorder. At para bang gulat na gulat sila.

"Sayo lahat yan?" Pagtatakang tanong ni Yhan Yhan. Nag nod ako habang kumakain.

Kain lang ako ng kain. Habang sila naman ay nakatunganga lang sa akin.

"Hindi ba kayo kakain?" Tanong ko sakanila. Titig na titig kasi sila sa akin eh. Nakalimutan na ata nilang kumain.

"Parang isang bwan ka kasing hindi nakakain." Biro ni Yvan. Natawa naman sila lahat.

"Masanay na kayo. Ganito talaga ako kumain." Ngiti ko sakanila.

"Talaga?" Tanong ni Kuya Quantum. Ang S.S.G President.

"Oh tissue." Pagabot sa akin ni Domino.

"Kay gwapong lalaki, balahura lumamon ah." Biro ni Yvan sa akin.

Ang katabi kong si Domino ay kumuha ng tissue at pinunas sa gilid ng labi ko. "Salamat." Ngiti ko sa kanya.

"Jusmiyo!! Kent, san mo ba napulot ito? Ang lakas kumain." Si Kuya Quantum. Mapagbiro rin pala siya. At wala na silang ibang ginawa kundi ang laitin at panoorin akong kumain.

Nagtagal ang aming pagkain dahil sa panonood nila sa akin. Ginawa nila akong TV Show. Kung sa bagay. Mayayaman nga pala sila. Iba ang paraan nila ng pagkain. Yung tamang way ng pagkain. Eh nakakagulat nga naman. Fukunaga ako, angkan ng mga kagalang-galang. Tapos parang batang paslit kung makalamon.

Tales : He was Once a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon