Imelda POV
1968
Malapit na matapos ang termino ni Ferdinand
Habang nasa hapagkainan kami kasama ang ibang mga miyembro ng kabinete
"Anong plano mo ngayon, Mr. Marcos?" tanong ni Mr. Lopez, ang bise president ng bansa
"Lumalaganap na ngayon ang communism, hindi ka muna pwedeng bumaba sa pwesto. Iyong mga plano mo lamang ang makakapag hinto nito" paliwang ni Enrile
Kinokumbinse nilang lahat si Ferdinand na tumakbo ulit sa ikalawang niyang termino
Nag-usap na kami nito noong isang araw
Ayaw na nga niya pero nakikita niya daw na mapapahamak ang gobyerno lalo nang may nagbabanta ngayong mga komunista kaya pag-iisipan niya muna
Kung ano man ang magiging desisyon nito ay nasa likod lang niya ako pero sana naman ay hindi na
Patuloy pa rin ang diskurso nilang lahat at patuloy din akong nakikinig
Mukhang mapapatakbo talaga itong si Ferdinand ulit
"Kamusta ba ang ratings ko?" tanong nito
"Okay naman, mukhang mananalo ka ulit kung tatakbo ka man" suhestiyon ni Lopez
"Baka gusto mong gumawa ulit ng pelikula? Mukhang yun ang nagpanalo sa inyo Mr. President. May kakilala akong actor at actress galing sa Amerika" suhestiyon nung isa
"Oo nga" sabay sabay nilang sabi at tumango tango
"Sige, pwede naman" sagot ni Ferdinand
"It's a plan then! Let's set up a meeting with them next week?" tanong ni Enrile at tumango lang iyong ibang miyembro ng kabinete
Ferdinand POV
Ngayon na ipapakilala ang mga gaganap sa susunod na pelikula para sa susunod kong pagtakbo
Naging huli ako sa pagdating kasi may pinuntahan pa akong emergency meeting
Pagdating ko andoon na pala sila lahat at tapos nang nag-usap
"I'm sorry I'm late, I came as soon as I can. I just had to attend some emergency meeting" paumanhin ko at tumayo silang lahat para batiin ako at ngumiti lang ako
Pinakilala sa akin iyong mga amerikanong artista na gaganap sa pelikula
"So the storyline is about you in the war Mr. President. Unlike the first movie, it'll focus more about the war" paliwanag nung amerikanong producer at tumango lang ako at ipinakilala sa akin ang Ferdinand Marcos—iyong gaganap bilang ako. Ipinakilala si Paul Burke
"Mr. President.... Nice to meet you" bati nito at nakipag kamay
Sunod naman ay itong babae na matangkad. Maganda, puti at panay ngiti
"Mr. President... Dovie beams, sir" at nakipag kamay din
"Okay then, it's all set?" sabi ko
--
A/N: May bago nanaman kayo ikakagalit. Happy sama ng loob to everyone! :) Short update muna tayo ngayon kasi busy ako hahahaha