Sa ika-apat na araw namin sa Puerto, nauna na kaming umuwi kasi biglang tumawag yung mommy ni Justine na nahospital daw yung lolo niya. Dumiretso kami agad sa hospital sa Alabang, he was admitted in an ICU setting kaya kumuha ng isang kwarto sila Tita para sa mga balak bumisita.
"Gusto mong umuwi muna?" tanong ko, kanina pa siya nakahilig lang sa balikat ko. Mula noong dumating kami tahimik na siya. Agad naman siyang umiling.
"Gusto mo ba umuwi?"
"Ikaw, baka lang gusto mo," sagot ko. "Andito naman mga kapatid mo, baka gusto mong maligo muna tayo."
"Jus, uwi muna kayo," sabi ni Kuya Jayce. "Iuwi ninyo muna mga maleta ninyo."
"Oo umuwi muna kayo," sabi naman ni Tito. "Jake, uwi muna."
Hinatid kami ni Kuya Lando sa bahay nila, pinahatid ko naman sa bahay yung maleta ko. Nauna akong naligo, sobrang naawa ako sa kanya. Growing up, he had a very good bond with his grandfather, dahil siya ang bunso, siya halos yung nakasama.
"Jus, ligo kana," utos ko. Ngumiti siya sa akin bago tumayo. I asked their helper to cook us food, ilang minuto lang yung pagitan mula noong inakyat nila manang yung pagkain at ang paglabas niya ng banyo.
"Let's eat first?" I smiled. He gave me a brief nod. Umupo siya sa tabi ko.
"You know it's not your fault," I caressed his back.
"But, we were enjoying while he's having a stroke," he argued.
"If we stayed will it change anything? Hindi naman diba? Let's just pray for the best," I uttered. "Dali na, kain kana, balik tayo kung gusto mo."
"Ako na lang babalik," sabi niya. "Hatid muna kita."
"Bahala ka."
Hinatid niya nga ako sa bahay namin, nagulat pa nga sila mommy noong nakita nila akong paakyat sa kwarto ko.
"I thought kila Jus ka? Kamusta pa yung lolo niya?" tanong ni mommy.
"Sabi ni Tita stable naman na daw po," sagot ko. "Siya na lang yung bumalik, he's being hard."
"Try to understand, siya pinakaclose eh," mom explained.
That night, I couldn't bring myself to sleep, paikot-ikot lang ako sa kama. I tried calling him pero hindi naman siya sumasagot.
When sleep finally called me, it was around two am already, kaya noong nagising ako halos maghahapon na. My brother woke me up with a bad news.
"Baby, come on, wake up," Kuya Tanner's voice echoed in my around.
"Why ba?" I rubbed my eye.
"Bangon na," si Kuya Tyler. "We need to go to memorial park."
"Huh?"
Kuya Tanner heaved a sigh. "Their lolo died this morning, bangon na."
Buong pamilya kaming nagpunta sa eulogy ng lolo ni Justine, isang araw lang yung lamay kasi yun daw ang gusto ng lolo nila.
When we found a vacant seat, pag-upo pa lang hinanap ko na si Justine, pero ni anino niya wala. When it's our turn to see the coffin, my eyes still looked for him around.
"Nasa room siya," yun yung narinig kong sinabi ni Tita.
"I'll just check on him po," paalam ko.
YOU ARE READING
The Pledge Between Us✨ [MED SERIES #9] COMPLETED
Roman d'amourTrixie Nicole Villamora, had everything pre-planned for her, never contest her family's decision, but had doubts when they decided a lifetime commitment for her. Will it secure her or will it destroy her?