We did the online enrollment instead of going to Manila, dalawang araw pa kaming nasa bahay lang, nawala ata yung sakit ng katawan ko noong huling araw na ng bakasyon at sa parehang araw ay kailangan naming bumalik sa condo.
"Grocery muna tayo," yaya niya noong natapos kaming kumain.
Halos nagmamadali na kami kasi hanggang 9 pm lang yung grocery, dahil alam na namin yung kailangan naming sangkap, mas naging mas madali sa amin ang mamili.
Kinabukasan, halos wala pa naman klase kasi may mga nag-eenrol pa. Tumambay na lang kami sa Tim Hortons noong nagsabi yung prof namin sa second subject na hindi muna siya makakarating dahil magulo pa yung schedule nila.
Mabilis lang din naman yung transition at pacing namin, dahil gaya nga ng sabi nila hindi pa naman ganun kahirap yung mga subject, kaya medyo chill pa kami.
"How was your exam?" mom asked, she then handed me the platter of grilled seafood.
"Okay naman po," sagot ko. "Basic pa naman po," sagot ko.
"Anong plano ninyo ngayong Christmas break?" tanong ni daddy.
"Wala pa po, Tito," si Justine yung sumagot kasi kasalukuyan akong umiinom.
"I told you I'll give you a reward for being dean's listers, right?" mom reminded us.
"We'll just stay here, mom," I declined it. Ayaw ko namang piliting gumala si Justine lalo na kamamatay lang ng lolo niya. As much as possible I don't want to pressure himself to force a smile just for my sake.
Justine stared at me. "You sure?" he asked.
"Yeah, diba tuturuan mo ako mag-drive?"
"Maybe, I can give you your reward next vacation? Sa summer?" mom was cheerful.
"Sige po," yun na lang yung nasagot ko.
Matapos namin kumain ay niyaya ko siyang mag-night swimming, hindi naman na siya nagreklamo pa. Buti na lang may warmer yung pool, kahit disyembre na ay medyo kaya naman namin magbabad.
"Sure ka, dito lang tayo? More than two weeks?" lumangoy siya palapit sa akin.
"Oo nga," sabi ko. "Wala na kayong practice?"
"Sabi ni coach pagbalik na lang daw," sagot niya. "Baby, if you're just considering me, okay lang sa akin na gumala tayo."
"Feeling mo naman umiikot na mundo ko sa iyo?!" singhal ko. Pero ang totoo siya ang dahilan kung bakit tinanggihan ko si mommy.
"Ay wow!" natawa siya. "Magsisimba ba tayo ng madaling araw mamaya?"
"Oo, dapat makumpleto natin," sabi ko.
"Agahan mong gumising, baka sa labas nanaman tayo."
"Ang lamig tuwing madaling araw eh," dahilan ko.
"Maghapon na lang kasi tayo?"
"Ayoko, iba yung feels ng madaling araw," tanggi ko. "Tska, magja-jogging tayo sabi mo."
"Okay," wala na siyang nagawa. "Hindi ka nga giniginaw? Bakit kasi nakabikini ka pa ang lamig na nga eh."
"Hindi naman ako ginginaw eh, walang kwenta yang mga muscles mo, hindi ka nila maipaglaban sa lamig. Tignan mo ako, payat pero strong," natawa ako sa expresyon ng mukha niya. He looked conflicted and torn if he'll contest me or just let me win.
YOU ARE READING
The Pledge Between Us✨ [MED SERIES #9] COMPLETED
RomantiekTrixie Nicole Villamora, had everything pre-planned for her, never contest her family's decision, but had doubts when they decided a lifetime commitment for her. Will it secure her or will it destroy her?