CHAPTER 7

3 0 0
                                    

Yumi's POV
"Yumiiiii! Taara dito!" sigaw ni jaden.

Lumapit agad ako sa kanila, kakapasok ko lang kasi e. Pero hindi naman ako late, si mami kasi e antagal kumain. Hehe naupo ako sa tabi ni jaden ta liam. Yun nalang kasi ang vacant e.

"AYIIIIIEEEEH." sabi ni sophie. Pagkaupo ko?

"Huh?" tumingin ako sa left and rig-- mukang alam ko na. Tiningnan ko si Jaden ng masama. Tapos nagpeace sign lang sya sakin, napakadaldal talaga nito!

"kunyari walang alam, uyyyy!" Charlotte.

"Ano ba yon?" sabi ni Geo.

"Naoop na kami" James.

Lumapit si dana kay James, tapos may binulong. After mon biglang tumingin sakin ng nakakaloko look si james.

"Uyy, bulong mo din samin" limien.

Tas lumapit si james dun sa dalawa. Tas tumingin din silang dalawa skin ng nakakaloko look.

"Uyyy ano yon bro?" andrei

"Wala yon, baka magselos ka pa." sabay sabay nilang sabi.

Hanep talaga. Tumingin ako kay jaden ng masama. Tong babae nato ang may pakana ng lahat ng to! At ganun lang din ang ginawa nya. Nagpeace sign.

"Tama na please?" seryoso kong sabi. Baka kasi dyan sa asaran na yan, dyan pa ko tuluyang magulog.

Tumayo nako at nagumpisang maglakad, nang hindi sila nililingon.
Gusto ko munang mapagisa. May nararamdaman nanaman akong kakaiba sa puso ko. Pupunta ako sa likod ng school sa may playground, magiisip isip at magpapahinga baka kasi naiistres nanaman ako kaya ganito heart ko.

Habang nakaupo ako dito at magisa, nagpapahangin, tunog ng tunog yung cellphone ko. Siguro lahat sila tinatawagan ako, dahil nag walk out ako don. Gusto ko lang magisip isip at magpahinga.

Ang sarap sarap ng hangin dito, fresh na fresh. Dito masarap magpahinga at mag alone time sa sarili mo.

Ang sarap matulog di'-

"Ay kabayo!" sabi ko

Bigla kasing tumabi sakin si kate.

"Srry. Hahaha'' sabi nya

"Bat andito ka?"sabi ko

"masarap pala dito noh? Masarap mapagisa saka fresh pa yung hangin." sunod sunod nyang sabi,

"Di mo pa sinasagot tanong ko ah." sabi ko ule

"Bat ka nagwalk out" simpleng sabi nya habang malayo ang tingin.

"Di ko din alam." sabi ko bigla.

"Panong di mo alam?" sabi nya.

"may iba nanaman akong nararamdaman sa puso ko e, baka stress nanaman. Kaya napagisipan kong magpahinga." sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Huh. Masaya ka nga. Baka ma fall ka." sabi nya habang nakatingi pa din sa kawalan

"Ha?" takang taka kong sabi. Di ko sya maintindihan. Mafall? Ano?

"Kay liam. Nakita kita kanina, nagpipigil ka ng ngiti, masaya ka no? Kinikilig?" sabi nya. Di pa din sya umaalis ng tingin sa kawalan.

"Ewan ko, isa lang yun alam ko, ayoko. Ayokong lumala pa tong nararamdaman ko sa kanya." sabi ko.

"Bakit?" tanong nya sakin.

"kasi masaya sya sa iba." simple kong sabi.

At doon sya napatingin sakin. "Huh? Malay mo sya na mr. Right mo?"

"Ayokong sumugal. Alam kong masaya sya sa iba."

"Masaya sya iba, o ayaw mong masaktan?" sabi nya.

"both? Kaya hanggang di pa ko nahuhulog,pinipigilan ko na." sabi ko

"Tara na. Baka malate pa tayo ng bongga." kate

"sige." sabi.

Dumiretsho kami sa room, nandito na silang lahat. Naupo nako sa seat ko. Busy sila sa pagdadaldalan, kaya napahinto sila nung pumasok kami sa classroom, kala daw nila si sir na. Habang umuupo ako sa silya ko, nakatingin sakin lahat ng tropa. Nakayuko lang ako habang paupo. Pgkaupo ko, dumukmo nalang ako.

Dumating na din si sir. Kaya nagklase na din kami,

"Class, activity natin ngayon ay grp. activity 3 groups lang 15 person per grp."sabi ni sir, so lahat kami naghanap na ng group. Usually kasi friendly group, kaya kabisado na namin si sir.

Tatayo na sana ko ng biglang magsalita si Charlotte.
"Guysss sakto pala e, 15 tayo! Ayos."

Naupo nalang ulit ako.

"Okay na may group na lahat?" sir.

"Yes sir"sabi naming lahat.

Finding Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon