Untitled

31 2 4
                                    

The Woman In The Snow

One day, isang magandang babae ang nasa snow. Nakasuot sya ng silver na damit at may mga alahas sya.

Nang may biglang dumating na lalake. Nag alok ang babae na magpalit sila ng gamit.. Gamit ang napakalamig at ganda nyang boses..

Ang damit at alahas nya ang ipagpapalit nya. Ang nasa isip nya ay"Wow, damit daw at alahas."

Pumayag ang lalaki.. At sinabe sa babae "Osige. Ano ang gusto mong ipalit ko sa damit at alahas mo?"

Tahimik lang ang babae. At mayamaya'y sinabe. "Kunin mo muna ang damit at alahas ko.. Mayamaya ay sasabihin ko kung anong gusto ko.."

Ang dahilan ng pagpayag ng lalaki sa kanyang alok ay dahil nabighani sya sa puting taglay at kagandahan ng katawan ng babae. Hindi manlang nya naisip na nasa snow sila..

At ganun na nga. Naghubad na ang babae at tinanggal na ang mga alahas at binigay sa lalake. Binalot ng lalake ang gamit gamit ang tela na dala nya lagi..

At tinanong muli ng lalaki ang babae, "Ano ang gusto mong ipalit ko dito sa damit at alahas mo?"

Ang babae naman ay yumakap sa lalaki.. At sinabeng "I want your warm blood from your heart. I want it out of your body." At doon, pinatay ng babae ang lalaki.

Kinabukasan, nakita ang bangkay ng lalaki. At nung binuklat nila ang telang ginamit nya pambalot sa gamit at alahas ng babae, ang nakita nila ay nyebe lamang..

At sa susunod na mga araw.. Dumami ang kanyang nabiktima.. Hanggang sa nagpanggap syang pilay at nakita nya ang lalaki na may malaking basket sa likod nya.

Ang sabi nya sa lalaki.. "Napilayan ako habang papunta sa bayan.. Natapilok ako at hindi ko kayang lumakad.." Gamit ang malamig nyang boses..

"Miss.. San ba ang bahay mo?" Malambing na tanong nya sa babae.

Tinuro ng babae ang daan. At sabe ng lalake "Halika, at ihahatid kita sa iyong bahay.. Sumakay ka sa basket sa likod ko.."

Lumipas ang isang oras. Dalawang oras.. Iniintay ng babae na iwanan sya ng lalaki at sumuko. Pero tinawag sya ng lalaki "miss"

"Bakit?"malamig at maganda na boses ng babae..

"Giniginaw kaba?"sabi ng lalaki na napapagod na sa kalalakad..
"Siguro giniginaw kana sa basket noh.. Malapit na naman siguro bahay mo noh? Sana.. At para makapagpahinga kana.."sabe ng lalaki.

Hindi nakapagsalita ang babae.. At mayamaya ay nagsalita ang lalaki. "Miss mali po ba un nadaanan ko o tama?"tanong ng lalaki. Ngunit hindi sumagot ang babae.

Kaya liningon nya ito.. At nalaman na wala na ang babae sa basket.. At ang basket ay puno ng snow.. Snow na nakabalot sa damit ng magandang babae.

The frozen heart of the woman, was melted by the warm heart of the man..

------

Asdfghjkl. Kwinento lang sakin ng pinsan ko. Tas dinagdagan ko. Ang ganda ng storya. Nakakatats!

The Woman In The SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon