My Business Life Last Part

27 3 0
                                    

Chapter 20 of My Business Life

[RYCEL]

Hindi ko alam kung saan nagpunta si Rinrin dahil nawala na lang sya bigla sa labanan.

Inisip ko na lang na baka tumakas na sya habang naglalaban kami which is good for her.

And also, nagulat kami nang dumating si Lilith habang naglalaban kami, yung pressure kapag kaharap mo sya lalong bumigat as in!

Tapos ang bilis nya pa, sya ba si Flash?

Anyway, sinusundan namin ang kotse na dinadrive nya papunta sa Chaos Hideout.

Nang papalapit na kami ay nakita naming may naglalaban sa harapan at may mga patay.

Nagsibabaan kami nang tumigil si Lilith.

Tiningnan nya kami at sinenyasan na tumulong na rin sa pakikipaglaban.

Dere-deretso naman kami nila Laurie, Clinton, Tristan at Isabella na pumunta doon sa mga naglalaban at tumulong na patayin ang lahat ng ito.

"Isabella! Watch your back! Argh!" Nasstress na sigaw ko sa kanya at tinadyakan ang lalaking hahampasin sana sya ng tubo.

"Thanks honey" nagpapasalamat na sabi nito sakin.

Hindi ako kinilig.

Bakit ako kikiligin? Hindi ko naman sya gusto tss.

Nakitulong ang Persefoni Members sa amin kaya napabilis ang pakikipaglaban namin at pumasok sa loob.

Nakita namin si ang anim na myembro ng Chaos at ang Limang myembro ng Damien.

"ang bigat ng pakiramdam ko pre" bulong sakin ni Laurie.

Kahit naman ako ay ganoon rin.

Si Azrai na puro tawa at biro, ngayon ay may seryosong mukha at puro hiwa at may tama pa ng bala sa balikat.

Si Teivel na matalino at nakikisama, ngayon ay seryosong nakikipaglaban at puro daplis sa iba't ibang parte ng katawan.

Si Mr. Azrael na laging may seryosong mukha, ngayon ay nakikipaglaban at may mga sugat sa bandang balikat at hita, may pasa rin sya sa mukha.

Si Clay na puro tawa at biro, ngayon ay may kaunting natamong sugat sa tagiliran at may daplis sa pisngi.

Si Hades na laging seryoso, ngayon ay nakikipaglaban at puro pasa lang ang makikita mo, may maliit mang sugat ay hindi nya iniinda.

At si Lilith na bagong dating.

Lahat sila ay nakasuot ng mask.
Si Lilith na kulay Black and Gold
Si Hades na kulay Silver
Si Clay na kulay Red
Si Mr. Azrael na kulay Blue
Si Teivel na kulay Green
At si Azrai na kulay Puti

Napalingon ang lahat kay Lilith nang pumasok ito.

"Lilith.." sabay-sabay na tawag nila sa bagong dating.

"Don't be disturbed, you will lose." Lilith's said at mabilis na sinipa si Taegens na sana'y sasaksakin si Hades.

"Walang kakupas kupas Lilith!" Nakangiting sabi ni Crinoa sa kanya.

Nilingon nya naman si Crinoa na nakangiti sa kanya.

Mabilis namang lumapit sa kanya si Lilith kaya mabilis ring umiwas si Crinoa.

Ang bilis ng reaction nito ah?

Napalingon naman kami kay Taegens ng akmang susugurin nito si Lilith ngunit pinatid sya ni Hades at sasaksakin sana ngunit mabilis itong gumulong kaya nakaiwas agad.

My Business Life (COMPLETED)Where stories live. Discover now