***LOVESTORY KO***
***Part One***
Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!!
Ang lamig! Brrrr. Ang aga kasi ng pasok ko ngayon. 5:30 pa lang ngayon. Kelangan daw 6 andun na. Foundation kasi ngayon sa school.
Badtrip!
Nasa Lrt na ko ngayon. Konti pa lang yung mga tao ngayon sa station kase maaga pa.
Inaantok pa koooo. Antagal pa ng train. :/ Bakit ganito ba to kabagal kapag umaga?
Sa wakas!! After 134442 years dumating na!
Wala pang masyadong tao. Syempre, umupo na ako. Haaaaysss.
Napatingin ako dun sa katapat ko. Isang lalaking gwapo. :3
Landi alert!!!
Nakapikit sya. Tapos may earphone sa tenga nya.
Ang hot nya.
Ooooppssss!!
Dapat loyal lang ako kay Bryan!!! Sakanya lang akooooo!!!
Kaso parang familiar sya ehhh. Hmmm. San ko nga ba sya nakita?
Tinitigan ko sya habang nagiisip kung san ko nga ba sya nakita.
Kaso bigla nyang binuksan yung mata nya at tumayo.
Bago paman sya lumabas, tinitigan nya ko.
"Ano pa tinitingin tingin mo dyan? Male-late ka na." Ang cold ng pagkasabi nya.
Saka sya lumabas.
Huh?
Nagsilabasan na din yung mga ibang tao.
Saka ko lang narealize na Recto station na pala.
at napagtanto ko nga na tama sya.
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!
Late na kooooooo!!!!
*****
"Hoy Gail! Anong ginagawa mo dyan?"
Napatalon naman ako sa gulat ng may tumapik sa balikat ko.
Aayyy, si Lea lang pala. -_-
"Ssshhhh! Wag ka maingay!"
Bumalik ako sa ginagawa ko. Kasalukuyan kasi akong nagtatago habang nakasilip sa may gilid ng vendo machine sa may corridor.
Tinitignan ko kasi si Bryan at si Corrine.
Tumingin nadin si Lea.
"Bakla, nakakaasar sila! Ano ba meron sa kanila?" Tanong ko sakanya habang nakatingin padin dun sa dalawang magka holding hands.
Actually, alam ko naman talaga kung ano meron sa kanila eh. Paano ko naman hindi malalaman eh close friend ko si Corrine eh. Sa totoo lang eh sya talaga nagpakilala kay Bryan sakin.
Same year lang kami ni Bryan kaso magkaiba ng course. Engineering sya while Communication arts yung samin nila Corinne at Lea.
Pinakilala nya si Bryan as Bestfriend nung pumunta kami nung birthday nya last year. Ayun. Dun ko sya unang nakita at tumibok tibok na si heart ko for him.
Oo na. Husgahan nyo na ko. Kasi parang masama na kong kaibigan sakanya. Parang ang dating ay inaahas ko sya. Pero duh! May ginagawa ba kong mali? Wala naman diba?!
*****
Pagkatapos naming umorder ng tea ay umupo na kami ni Lea. Sobrang nakakapagod.
Ang daming tao ngayon kasi nga diba foundation? Nasa may quadrangle kami ngayon.
BINABASA MO ANG
Lovestory ko (short story)
Short StoryIn a relationship na si Crush? at sa Close friend mo pa? WTH? Isusuko mo na lang ba first love mo o gagawin mo lahat para lang magkahiwalay sila? Basa basa din. :) short story lang to. Mwahaha.