"Ikaw Katherine Borja, tinatangap mo ba si Theodore James Illac bilang iyong kabiyak, sa hirap at ginhawa, sa--"
"Ang kati naman nito!?"
"Konting tiis nalang Kath, malapit na naman mag-kiss the bride."
"Anoooooo!?" nag-panic na si Katherine at pinaglakihan ng mata si Christopher na nakatayo sa harapan nila.
"Tisay.. tsk! Paano magiging effective ang kasal na ito kung wala yun. Paano magiging convincing na pari si Tupe kung hindi natin kukumpletuhin yung wedding rites?"
"Wah! Theo bata pa tayo at ayokong..." huminga ng malalim si Katherine. "basta! kahit walang ganun magiging pari parin sya balang araw!"
"Sige na, last time na naman ito Kath, aalis na sina Theo papuntang manila, wala na akong makukulit na maka-partner mo kasi ang hilig mong manuntok."
Sa kung saan ay biglang dumating ang mama ni Theo.
"Tj, say bye to your friends na, we have to go." at nag-nod sya saming magpinsan. "Katherine, Christopher alis na kami ha? Pakabuti kayo."
Lumungkot ang mukha ni Theo..
"Ano ba yan, di pa nga nakakapag-kiss.." bulong-bulong ni Theo.
"Nu!?" asik naman ni Katherine.
"Wala,.. uhm, sana pagbalik ko medyo mahinhin ka na, hehe!"
Nabigwasan ni Katherine ang Braso ni Theo. Buti nalang nakaalis na palayo ang mama nito.
"Katherine.."
"ano!?" irritableng sagot nito.
"Balang araw.." Huminga ito ng malalim na parang hindi sigurado kung itutuloy pa ang sasabihin.
"Balang araw.. Tototohanin na natin yung kasal!" at tumakbo na ito papunta sa van nila.