Nandito ako ngayon sa kwarto ko. At sa unang paglabas pa lang ng araw ang init na ng ulo ko. Paano ba naman, nandito na naman ang haliparot kong kapatid na mahilig magbalat-kayo.
"ARGGHHH!!! Heart! ano ba naman yan? nang iinis ka ba?"
"Ha? wala naman po ate ah?" pa inosente niyang sagot.
sabihin nyo nga, sinong baliw na taong kakagising lang ang hindi maiinis kung may taong sinisigawan ka na parang end of the world na.
"Hoyyy! Tigilan mo ako! Ang aga-aga! Leche!!!"
"Ate naman, malelate na ako oh!"
"Eh ano naman ngayon? Kapag hindi na ba ako gigising magiging most punctual ka ba? Maghunos dili ka nga! Ke aga-aga." Prangka kong sabi sa kanya sabay balik higa ko sa minamahal kong kama. 5 minutes pa moooreee!
"HMPFFF! Kaya nga ang pangit na ng tingin ng halos lahat sa iyo sa skul eh. Salbahe ka kasi. Tingnan mo ako, angat na angat ang imahe ko."
Pshh! As if naman katulad mo ako noh! Attention FREAK talaga ang gaga!!! Makabangon na nga. Naniniwala na kasi ako sa kasabihan na:
An early Beautiful lady like me (Choss!) catches a YUMMY HUNK! hmmm! YAMI! Penge kape pls... pansawsaw sa HOT na pandesal at FOOT LONG na hotdog! SYET! YAMI BESH HAHAHA!
*bogsh* Narinig ko na lng ang pagsarado ng pinto. Tanda na umalis na ang kapatid ko.
Heartfilia Crea Dimalunok. 'Yan ang pangalan ng mapagbalat-kayo kong kapatid na umistorbo sa beauty sleep ko kanina. Bakit nga ba sya mapagbalat-kayo? Kasi MABAIT at MAYAMAN raw sya na kasalungat naman ng kung ano talaga sya. Magkapatid kami sa ina. The end. Hahaha! Pero seryoso, hindi talaga kami magkasundo dahil iba ang pananaw namin sa buhay. At ibang level din ang kabaliwan ko kumpara sa kanya. Kung ako pang mental, sya nman pang rehab na. Yahh. Whatever! 'Di ako SANTA para pagbigyang pansin ang mga kasalanan niya. Makakain na nga ng 6 packs ng hot pandesal with SUPER JUMBO HOTDOG pra may energy ako. Naks! Pumaparaan.
BINABASA MO ANG
The Red Queen's Secret
HumorSabi nila "Great things come when you least expected it." Does it really apply in every person? Paano kung ayoko? I mean, "isa" ako sa mga tao na hindi mahilig maghintay sa grasya? pakealam nila? ganun ako eh! I'm Serenity Diamond Dimawasak. Masama...