TOS 33

58 15 20
                                    

Kakauwi lang namin ni Raze galing sa BGC, grabe! I thought we were going to a party at BGC mga lasing na kaibigan pala ang pupuntahan namin, pero siyempre uminom din kami ni Raze ng kaunting vodka kasama ang mga kaibigan niya, nagulat pa nga sila dahil magkasama ni Raze, at mas lalo silang nagulat ng malaman nilang ikakasal na kami ni Raze, wala kasi silang kaalam-alam na nagkabalikan na kami ni Raze.

At hindi rin naman masiyadong nakakasama ni Raze ang mga kaibigan niya dahil busy siya sa pag aaral, medical student siya kung kaya minsan napupuyat siya sa pag aaral tungkol sa medical, wala eh ginusto niyang maging med doctor, pero binibilinan ko rin siya na wag niyang masiyadong i-pressure ang sarili niya sa pag aaral, he had to have time to himself.

1:00am nang magising ako dahil sa boses ni Raze, dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko atsaka ako lumingon sa likuran ko at nakita ko siyang nakaupo sa kama at buhat buhat niya ang baby namin at kinakausap niya ito na tila ba ano mang oras ay sasagot si kia sa kanya.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko kay Raze na hanggang ngayon ay kinakausap parin ang anak namin.

"I heard kia cry so I woke up immediately, akala ko kasi kung ano ng nangyari sa prinsesa ko" he said as he kissed our daughter's forehead at inilapag niya na si Kia sa crib dahil nakatulog na ito sa bisig niya, atsaka siya muling tumabi sa akin. "Let's sleep, maaga pa pasok mo later" he said and he gently kiss my forehead.

when I woke up I felt that Raze was not beside me, at wala rin Kia sa crib niya.

Tumayo na ako atsaka ko hinawi ang curtain sa bintana.

Nang mapansin kong maliwanag na ay dali dali kong binuksan ang closet ko para kumuha ng uniform at nang makakuha na ako ay pumasok na ako sa loob ng CR para maligo.

Omg! Bakit hindi ako ginising ni Raze? Alam niyang maaga ang pasok ko today at hindi ako pwedeng malate dahil may importante kaming lesson today! binilisan ko na ang pag ligo pagkatapos ay nag sipilyo na ako, pagkatapos kong gawin ang routine ko pagtapos maligo ay naglagay na ako ng kung ano-anong pampaganda sa mukha ko, konting foundation lang at blush on atsaka naglagay din ako ng liptint sa labi ko, naglagay din ako ng contact lense na may grado, pagkatapos ay isinuot ko na ang uniform ko.

"Oh mommy's here baby, come on my princess say good morning to your mom" sabi ni Raze habang ako ay bumababa sa hagdan.

Seryoso ba siya? Pagsasalitain niya si Kia ng 'good morning'? mamaya magsalita nga yan. "Mag breakfast ka na, nagluto ako ng pancake for you" sabi pa ni Raze.

"Magbabaon nalang siguro ako, malalate na ako sa lesson namin" sabi ko atsaka ako humalik kay kia, dumiretso naman ako sa kitchen para kumuha ng baonan at naglagay ako doon ng ilang pirasong pancake.

"Ihahatid ka na namin ni Kia" sabi ni Raze dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Teka? Wala ba siyang klase ngayon? "Why are you looking me like that?" takhang tanong ni Raze sa akin.

"Don't you have a class today?" sabi ko atsaka ko isinabit sa balikat ko ang tote bag ko at lumapit ako sa kanya.

"Mamaya pa ang klase ko, so maihahatid ka namin ni Kia papuntang UST, right baby?" sabi niya habang nakatingin kay Kia, napangiti naman ako ng biglang sumagot si Kia ng 'Ooh'.

Parang kailan lang ayaw kong makilala niya si Raze dahil sa poot na nararamdaman ko noon, pero ito kami ngayon buo at masaya.

Hindi na ako nakatanggi pa nung ihatid nga ako ng mag ama ko sa UST.

nang makarating kami sa parking lot ng UST ay pinagbuksan na ako ni Raze ng pinto ng kotse at inalalayan niya akong bumaba dahil buhat buhat ko si kia, at nang makababa na ako ay muli niyang binuhat si Kia at hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami papasok sa UST.

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon