3rd Person's POV
Ang pag-ibig ay pag-ibig. Walang pinipiling edad, ugali, mukha, kasarian at kung ano-ano pa, basta mahal mo siya kung sino siya at hindi kung anong meron sa kanya.
Si Ivan Gale Ramos ay baliw na baliw kay Justin Danganan Calalis, iniiyakan pa nga niya minsan ang letrato nito sa facebook.
Nakilala niya ito sa facebook, dahil nag-chat sa kanya si Justin, ngunit ang hindi alam ni Ivan ay poser iyon. Poser ang naging kaibigan niya at naging ka-ibig-an. Oo, naging sila dahil niligawan nung poser na Justin si Ivan. Noong una ay wala pa siyang kaalam-alam na poser ito.
Inaya ni KT, kaibigan niya, na lumuwas sila papuntang Pampanga. Tiga-Maynila kasi si Ivan.
Hindi alam ni Ivan na ka-barkada din ni Justin si KT. Wala padin siyang ka-alam-alam na poser yung karelasyon niya.
Inaya din ni KT sila Justin, at iba pa nitong barkada na mag-kikita-kita nalang daw sila sa bahay nila CJ, isa pa nilang kaibigan. Nag-aya ito dahil may ipapakilala daw siyang kaibigan.
Hindi kilala ni Justin si Ivan, dahil hindi naman talaga siya ang nakakausap nito sa Facebook.
Noong nandoon na sila sa bahay nila CJ, nagulat si Ivan sa biglaang pag-kakita kay Justin. Ang gustung-gusto na niyang makita, ang mahal na mahal niya ay nakita niya na rin sa wakas, at nasa harapan pa siya.
Nag-taka siya kung bakit hindi siya pinapansin ng binata. Nag-tanong din siya rito.
Hindi alam ni Ivan na marami siyang matutuklasan sa pag-punta niya sa Pampanga, lubos siyang nasaktan dahil sa kaniyang mga nalaman. Ang mahal niya, ang matagal na niyang kasintahan--sa Facebook o sa Internet ay hindi siya, hindi si Justin na totoo, kung di ang Justin na peke. Kaya pala siya nag-tataka kung bakit hindi siya pinapansin. Mas lalo siyang nasaktan nung nalaman niya kung sino yung poser. Kung sino yung nanloloko sa kanya, kung sino yung nag-papaniwala sa kanya na mahal din siya na mahal niya.... si KT. Ang kanilang kaibigan.
Nagalit sila Justin at Ivan kay KT. Dahil parang pinag-laruan lang nito ang dalawa niyang kaibigan. Masakit iyon para sa kanila. Para bang pinaasa si Ivan.
Binantaan sila ng binata, si KT. Ang sabi niya sa dalawa ay kapag daw pinag-kalat nila ito ay ipa-pa-hiya daw ng binata si Ivan sa kanilang eskwelahan. Kaya nanahimik nalang silang dalawa tungkol dito.
.....
Pag-katapos noon ay hindi na nag-karoon ang dalawang binata ng komunikasyon halos pitong buwan na silang pag-uusap, kahit hindi naman talaga sila iyung nag-uusap at isang araw lang sila nagka-usap.
Hanggang sa pag-katapos ng pitong buwan--na buti nalang ay di tumagal ng taon, ay nag-lakas loob si Ivan na kausapin si Justin. Nag-karoon nadin kasi sila ng komunikasyon sa isa't isa. Niligawan ni Ivan si Justin.
Apat na buwan naring nanliligaw si Ivan...
Nag-kayayaan ang mag-babarkada na mag-swimming sa isang resort. Maya-maya ay nagulat si Justin dahil biglang tumunog ang musikang Thinking Out Loud (paki-play nalang sa Youtube. Para dama niyo. Joke. Hehe ^_^ v)
Kumakain no'n si Justin at nagulat siya nang lumapit sa kaniya si Ivan.
Lumuhod ito at binaggit ang mga salitang "Will you be my boyfriend?" Um-oo naman si Justin.
Marami pa silang pinag-daanan ngunit hanggang dito na lamang ang mai-kwe-kwento ko.
Isa lang ang dapat kong idagdag. Naging masaya sila sa kanilang relasyon, at hindi sila nag-sisi.
....
Love is Love. Pag mahal mo, walang dahilan.
Madaming nagalit, nandiri, at tumukso sa kanila dahil na nga sa kanilang relasyon. Hindi na lamang nila ito pinapansin dahil kung pinansin nila ito, may mangyayari ba? Wala naman diba? Okay na sa kanila yung nag-mamahalan sila ng totoo, kahit na pareho silang lalaki. at isa pa, hindi naman importante kung ang mamahalin mo ay babae o lalaki. Walang kahit na sino ang makakapigil kapag tumibok na'yang puso mo sa isang tao... dahil kung mahal mo siya at madaming dahilan.. hindi na Love Yun. Pag-hanga lang yun. Dahil nga ang Love is Love, wala nang iba.
*****
BINABASA MO ANG
LOVE is LOVE (Short Story)
Short StoryThis story is a true story. No hate, just love. Please don't judge. This story is about Ivan Gale Ramos and Justin Calalis. Again, please don't hate. sa mga di nakakakilala sa kanila, search nyo nalang sila sa Facebook. Beware of posers, thank you...