"Owemji, I got in!" Tuwang-tuwang sabi ko kay Kaia at parehas naman kaming tumalon-talon pagkatapos tignan yung list ng natanggap sa volleyball try-outs na naka lagay sa bulletin board.
Grabe ang bilis ng panahon, first year high school na kami! And of course, magkasama parin kami.
"Congrats Yn!" Aniya ni Kaia at niyakap ako
"Uyh Gomez, pasok tayo!" Sabi ni Tuazon yung katabi ko nung try-outs kaya cinongratulate ko rin siya
"Tara sa canteen!" Sabi ko kay Kaia
"Ay yes, libre" aniya kaya natawa nalang ako at giniya na siya papunta sa canteen. Recess na kaya andaming students pero buti nalang may bakante pang upuan kaya umupo na kami doon.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko at akma na sana siyang sasagot pero kumunot ang noo ko ng makita siyang seryosong nakatingin sa unahan kaya napatingin din ako doon at nakitang may nagkakagulo na mga estudyante. "Sino nanaman kaya ginugulo nila" takang tanong ko
"Mukhang babae eh" aniya at binalik ang tingin sa 'kin. Sinabi na niya sa 'kin ang gusto niya kaya tumayo na 'ko at pumila doon sa isang stall. Habang nag-aantay ay panay naman ang tingin ko doon sa nagkakagulo, wala namang nagrarambulan pero rinig na rinig ko yung boses nilang nagsasagutan.
"Ano nanamang gusto mo?!"
"How dare you take my spot on the volleyball team?!"
"Kasalanan ko ba kung mas magaling ako sa 'yo?!"
"How dare you talk to me like that?! Alam mo ba kung sino ang daddy ko?!"
"Hindi, at wala akong pakialam."
"Girl, you're gonna regret this"
"My life is misserable enough. I don't have time for people like you"
"Isusumbong kita sa principal!"
"Edi isumbong mo!" Matapang na anito
"Tsk, kapal ng mukha niyan ni Stella. Di niya alam anak ng may-ari ng Veda yang kinakalaban niya" sabi nung nasa likod ko sa kaibigan niya
"Oo nga eh, sa lahat si Amarah pa talaga inaway ah"
"What the hell" bulong ko nalang sa sarili at umorder na rin. Pagkatapos ay bumalik narin ako sa table namin ni Kaia at nakatingin parin siya dun sa mga nag-aaway.
"Thanks" aniya nung ibigay ko na sa kaniya ang pagkain niya. "Anyare dun?" Takang tanong niya
"Parang tungkol sa volleyball eh"
"Buti hindi ikaw yung inaway"
"No one would dare. I topped the list" nakangising sabi ko kaya napailing-iling nalang siya at nagsimulang kumain. Thirty minutes lang yung recess namin kaya bumalik na kami sa classroom. Pumasok na rin yung subject teacher namin at nagsimulang mag discuss. Napahinto lang siya nung biglang pumasok yung isang kaklase namin kaya lahat kami napatingin sa kaniya.
"Where have you been Ms Cielo?!"
"Sorry miss, galing po kasi akong clinic"
"Take your seat!" Aniya ng teacher kaya tumango lang siya at tuluyan ng pumasok sa room. Napatingin ako sa noo niya at may bandage kaya kumunot naman ang noo ko pero binalik nalang ang tingin sa pisara pero lumalabaw yung boses ng isang kaklase ko sa likod.
BINABASA MO ANG
My Greatest Adventure (BRKDA SERIES 4)
Документальная прозаLove is an adventure. Take risks