"Teka...diba manliligaw mo yan??"
Lahat kami napalingon sa bandang tinuro ni Auri. At nakita ko nga ang manliligaw ko na may kasamang babae at naka holding hands.
"Hala oo nga, si Miko yan diba!"
"Aba gago yan ah!"
"Owemji Yn, are you okay????"
Nag-aalala silang lahat na tumingin sa akin. Hindi parin ako makapagsalita at nakatingin lang kay Miko na naglalakad papunta sa direksyon namin. Hindi siguro niya alam na nandito ako. But then are eyes met. Napatigil siya sa paglalakad at nabitawan yung hawak niya na milktea kaya napahinto rin yung babae. Nagkatinginan lang kaming dalawa hanggang sa unti-unti akong ngumiti sa kaniya. Mas lalong napaawang ang bibig niya at bago paman siya makalapit ay tumalikod na ako at naglakad palayo. Naramdaman kong sumunod ang mga kaibigan ko pero hindi ko sila marinig dahil parang nabingi ako matapos ang nakita.
Everything was a lie.
Napahinto lang ako ng pumunta sa harap ko si Kaia at niyakap ako. Niyakap rin ako nilang lahat hanggang sa hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
Flashback
"Ay wow sanaol" sabi ni Auri matapos pumasok sa classroom at nakita akong nakaupo sa upuan ko habang naglalaro ng ML at pinapalibutan ng bulaklak at klase-klaseng paper bag. May mga box rin at teddy bear, hindi ko na naisip kung paano ko iuuwi lahat ng toh.
"Oh, hindi ka binigyan ng jowa mo?" Pang-aasar ko pero binalewala lang ako nito at uminom ng tubig niya bago nagpaalam na umalis. I was alone inside our classroom dahil ayokong tumambay sa canteen o kung saan dahil may magbibigay nanaman ng bulaklak at teddy bear o ano. Valentines Day kasi ngayon. Kaya napag-isipan kong dito nalang tumambay, atleast dito may aircon.
Hindi na bago sa akin na makatanggap ng ganito karami every valentines. Simula palang first year marami na talaga ang namimigay pero as years pass mas dumami yun ng dumami at napagod ako kaya dito nalang ako sa classroom. May date kasi lahat ng kaibigan ko at ako lang ang wala. Kahit ang totoo maraming nag-aaya. Diko lang bet.
Nakapatong yung dalawang paa ko sa teacher's table sa harap habang naglalaro ako ng ML ng may pumasok. Hindi ko nalang pinansin yun dahil baka classmate ko lang at may kinuha sa loob. Napangisi ako ng manalo kami at bumuntong hininga. Pero muntik na akong mapasigaw ng makita ang hindi pamilyar na lalaki na nakaupo sa isang upuan at mukhang hinihintay ata ako.
"Geez, what the hell!"
"Oh, sorry. I didn't mean to scare you" aniya at napakamot sa ulo
"Who are you and what are you doing here?" I raised a brow
"Ah wala, may pinagtataguan kasi ako at nagkataong ito lang yung bukas na classroom. I hope you don't mind" aniya
"Sure, make yourself feel at home" sarkastikong sabi ko kaya tumawa naman siya. Kinuha ko ang malaking paper bag na nasa bag ko dahil lagi akong prepared. He watched me put all the gifts I received and put it all in one paper bag. I raised a brow when I saw him stiffling a smile kaya agad naman siyang umiwas ng tingin.
At dahil hindi nakasya yun sa isang paper bag, may extra pa ako of course. Nilabas ko yun sa bag at sinimulang ilagay ang mga bulaklak isa-isa. Napahinto ako at napaangat ng tingin ng lumapit siya
"Mind if I help?" He offered. Tumango nalang ako kasi naiilang na ako na nanjan lang siya at nakaupo at tinitignan akong iligpit ang mga gamit ko. Hinayaan ko siyang gawin yun kaya kumuha ako ng walis para ligpitan yung mga natanggal na dahon at petals ng bulaklak.