Chapter 1

221 10 0
                                    

Denice's POV

First day of school ngayon at na-elect ako as the Muse of the class. Odiba? Haba ng hair jk. Ngayon din yung pagbobotohan ng lahat ng officers ng highschool ang SBO o Student Body Odor, joke Student Body Organization talaga. At paglalaban labanin ang mga nanominate dito sa election day.

Nagpakilala ang 4th year officers from section 1-5 then ang Grade IX. Tinawag ni Ma'am ang president ng nagiisang section ng Grade IX.

"Mr. Samaniego, introduce your class officers," nagtilian ang lahat at pumunta sa unahan yung lalaking--

:o

Yung lalaking chinito. Ang pogi nya. Parang na-stuck-in-the-moment ang peg ko.

"Denice."

Wala akong nakikita kundi sya.

"Uy, Denice."

Nagfast motion ang lahat. Pababa na sya. Wala na ako naintindihan sa sinabi nya.

"HOY DENICE! TULALA KA! KANINA PA KITA KINAKALBIT JAN!"

"Ayy kalabaw! Ayy ano ba? Bat ka sumisigaw?" Si Sam pala. "Leche. Ang pogi nya."

Tumingin sya sakin at tumaas taas yung kilay nya. Nagkaintindihan na kami nun. Sang-ayon sya kasi pogi nga.

Kami na pala ang magpapakilala. Inisa-isa nalang kami ni Ma'am. Mabilis lang ako tumayo at nagsalita. Nahihiya kasi ako. Hindi ko pa kilala ang mga nandito.

Nagsimula na ang nomination ang nagbotohan sila kung sino ang maglalaban para sa election.

Tumingin ako sa kaliwa kung san naroroon si Pogi. Ano kayang pangalan nya?

"Ariel daw. Ay hindi ata baka Muriel, o kaya Bariel. Ahh Adriel ayy baka hindi. Ewan nakalimutan ko na. Englishero eh." Nag-poker face sya. Nabasa ba ni Sam yung nasa isip ko?

-_-

Wala akong napala. Sa dami ng sinabi nya lahat hindi sure.

Nanominate si Pogi.

"Galing mo, Ezekiel!" Narinig kong sabi ng isa nyang kaklase.

"Baliw ka. Ezekiel daw. Haha hay, ang pogi nya" sabi ko habang nakatulala pala sa kanya. Bigla syang napatingin sakin kaya bigla akong nagpanic at napahampas kay Sam.

"ARAY NAMAN!"

"Shh ano ba? Bat ka sigaw ng sigaw? Baka masita tayo." Sabi ko kay Sam.

"Eh sino ba namang hindi sisigaw eh hinampas mo ako."

"Sorry na. Ang pogi bigla ba naman napatingin sakin haha kilig" Kinikilig talaga ako.

That feeling. Gets nyo ba ako? T.T

"Okay Ezekiel and Danny Benson was nominated as the Vice president of the SBO officer...." Pagaannounce ni Ma'am "And we'll be having our whole election on Friday. You have three days para mangampanya."

Ayos lang na hindi ako nanominate since first year ko pa lang naman dito. May next year pa.

Pagkauwi ko, tinanong ko kaagad si Ate Divine.

"Ate, kilala mo ba yung poging chinitong Grade IX?" Excited kong tanong kay ate habang nagcocomputer sya.

"Ha? Ahh si Ezekiel ba? Oo nga pogi nga yun. Matalino pa." Napairit ako sa sinabi ni Ate.

"Friend mo ba sya sa Facebook? OMG anong full name?" Ugh ayaw kasi agad sumagot.

Nakalipas ang sampung segundo.

"Ayy nabilang, teh?" Si author oh.

"Yup. Wag ka magulo. POV ko 'to" ayy seenzone.

"Ahh oo. John Ezekiel M. Samaniego name. Ikaw ha umiibig na." Pang-aasar ni Ate.

"Oo nga eh na love at first sight ako."

"Kalokahan mo. Gumaganan ka na ha." Sabi ni Ate.

"Joke lang, Ate. Agad-agad?" Umalis na ako at humiga para isearch si 'Kiel. Odiba? May nickname na kaagad ako sa kanya? Char.

Search..

Search..

Got it! John Ezekiel Samaniego!

Friend request sent.

One..

Two..

Three..

Four..

John acceted your friend request.

I died.

"Active Now"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon