**PROLOGUE**
Sabi nila maraming experiences sa High School nandito na yung lungkot, saya, gala, at marami pang first depende na rin sa pinapasukan mong school.
Sa school namin dapat laging mataas grade mo dahil ituturing ka nilang outcast kung walang laman ang utak mo. Tulad ko "
napaka ironic nga kung iisipin eh, pinangalan kasi sakin ng parents ko is Athena.
Lagi saking pinamumukha ng mga nagpipiling-einstein na kakalase ko na di daw bagay sakin ang pagiging goddess of wisdom
bakit ba kasi dito ako pinagaral ng parents ko palibhasa kasi ito ang pinakasikat na school sa pilipinas pag sinabi kasing Groiler's school of knowledge automatic yun katapat mo lang ang IQ ni Einstein, Ptolemy at kung sino sino pang mathematician at ito pa madali ka lang makakahanap ng trabaho dahil makita lang nila resume mo kahit mamaya pwede ka ng mag start sa trabaho.