Chapter 20: Love

267 12 3
                                    

Not A Dude

Amber's POV

It's been weeks since nung umalis na si Jackson. Normal na naman ang pamumuhay sa baryo namin, hahaha. Laging nandito ang Tropang Pochi dahil baka daw mapagsalitaan na naman daw ako ng kalokohan ni Kieffer

Pino-protektahan daw nila ako, wtf.

Si Kieffer naman, pagka-alis ni Jackson, sinapian ng pagiging nanay. Tanong ng tanong kung kumain na ako, matulog daw ako ng maaga, sorry daw sa mga sinabi niya. Mga ganun.

"Good Morning, Amber." bungad sa akin ni baklers

"Morning." sabi ko at umupo na sa upuan at automatic ng hinanda ni Kieffer yung pagkain ko. Saya noh? Hahaha.

Sa totoo lang, naguguluhan na ako dito kay Kieffer eh. Sobrang effort niya pagdating sa mga bagay bagay, hindi ko naman sinabing gawin niya. Ganun ba talaga siya kaasikaso sa mga kaibigan niya? Or sadyang wala lang siyang magawa sa buhay niya?

Umupo si Kieffer sa upuan sa harap ko at nagsimula na kaming kumain. Since, tahimik naman dadaldalin ko nalang siya, diba?

"Kief--"

*bzzzt bzzzt*

Hindi natuloy yung sasabihin ko ng sinenyasan niya ako na mamaya na at sinagot yung phone niya, sino naman kaya 'yun? Meh.

"Ikaw pala yan! Namiss kita, alam mo ba 'yun?"

O____O

Sino yun? Sino kausap niya? Sino yung namiss niya? May girlfriend kaya 'tong si bakla? Bakit hindi niya sinasabi sa akin? Bakit ganyan na siya ngayon?

Okay Amber, ang OA ha.

"Talaga? Nakabalik ka na, love?"

O_______O!!

LOVE? AS IN L.O.V.E, LUV? MAY GIRLPREN SI BADING?! BAKIT HINDI KO ALAM? WHY??

Sa mga readers, mali po pala tayo ng mga inaakala dahil isa palang ganap na Adan si Kieffer Richard. Siguradong sigurado akong dadami na ang fangirls niya na handang i-alay ang mga sarili nila.

"Talaga? Puntahan kita dyan. Sige bye." sambit nito at pinatay yung cellphone at tumayo "Oh, saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya

"May pupuntahan lang. Sige, kita nalang tayo Amber. Ubusin mo 'yang pagkain mo ah? Sige. Bye." sambit nito at aligagang umalis ng dorm

Saan naman kaya pupunta yun? Ay oo nga pala. Dun sa 'love' niya, tss.

Ayaw man lang mag-share. Pwede namang sabihin na pupunta siya sa girlfriend niya chuchu or makikipag-reunite siya. Tss.

Since, wala din naman akong gagawin dito. Nilinis ko nalang yung buong dorm, sa sobrang sipag ko sa paglilinis, mas makinang pa yata sa mukha ni Kieffer ang mga sahig at furnitures dito sa loob. Nasa kalagitnaan ako ng pagwawalis ng biglang may malakas na force na bumukas nung pinto kaya napabalikwas ako

"Amber, kelan ka pa naging house keeper?"

"Wow naman. Pinapa-sweldo ka ba ni Kieffer?"

"Amber, di ka pa ba napapagod? Pawis ka na oh."

"Amber-sshi, tigil ka muna. Mukhang pagod ka na eh."

Sabi nung, well sino pa ba? Yung Tropang Pochi syempre. Mambuburyo na naman dito, juskolord. Pumasok sila tapos umupo sa sofa, pinalo ko naman silang apat sa ulo.

"Aray! Problema mo?!" asar na asar na sabi ni Marco

=____= siya pa galit?!

"Pasensya na po, sir. Kung hindi naman po kasi may malaking butas ng hangin yang mga kokote nyo. Alam niyong, kakapunas ko palang ng sahig. Hindi niyo hinubad mga sapatos nyo!" sabi ko at bigla silang tumayo at hinubad yung mga sapatos nila sa labas

Not A Dude [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon