STORY

10 0 0
                                    

Sabi mo eh.

~^~

"Mahal kita."

"Okay, Sabi mo eh." sabi ko sayo at tumalikod na. Yun lang pala yung sasabihin mo kailangan pang pumunta sa gym? Para namang big deal yun. Mahal mo lang naman ako. 

"S-sandali!" sigaw mo kaya napahinto ako ng lakad.

"M-mahal kita simula palang. W-wala ka bang nararamdaman saakin?"

"Wala." at pinagpatuloy ko ulit yung lakad ko. 

Simula ng araw na iyun ay hindi mo na ulit ako kinulit. Diba dapat masaya na ako? dahil sa simula palang yun na yung gusto ko? Na hindi mo na ako kinukulit? Na lumalayo ka saakin? Pero bakit imbes na sumaya ako eh gusto kong kulitin mo ulit ako? Na saakin yung buong atensyon mo.

2 months. 2 months akong humihiling na kausapin mo ulit ako, pero hindi mo ginawa. Nagulat nalang ako ng isang araw pagka-pasok ko sa school eh halos lahat ay umiiyak. Napansin kong wala ka kaya umupo nalang ako sa upuan ko. Tinanong ko yung kaibigan ko kung bakit ang lungkot ng iba nating kaklase at ang sabi niya..

"Patay na kasi si John." 

John? 

Kapangalan mo yun ah? Kawawa naman, ano naman kayang kinamatay nun? Di bale, hindi naman ikaw kaya wala akong paki-elam---

"Eunice... pinabibigay."

Kinuha ko yung sulat at binasa. 

Dear Eunice,

     I love you eversince. I don't know but every time i'm with you I almost forgot that I have a cancer. Yeah you read it right. If you reading this, its mean im dead. I want to court you but my life is too short. I love you.

- John

Pinuntahan kita. Nakahiga ka sa isang parisukat na bagay na kulay puti. Lumapit ako sayo. Tulog ka. Halos di na kita makilala pero hindi ko parin maaalis na gwapo ka. Bigla nalang ako naiyak.

"Mahal mo ako, sabi mo eh... eh bat mo ako iniwan agad? Mahal rin kita! Sorry kung ngayon ko lang narealize! Sabi ko mahal kita! bumangon ka dyan! Mahal kita!"

END.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sabi mo eh.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon