Bitterer Than Death
"Handa ka na bang mamatay?" Vincenzo asked while grinning evilly from ear to ear.
Avriana glowered at her. "Who are you?!"
"Ako?" he asked eerily. "Ako lang naman ang papatay sa'yo, Kamahalan," sagot niya kaniya. Napatingin siya sa sahig at doon ay namataan ang nakahandusay at walang buhay na katawan ng Empress.
Nagulat si Vincenzo sa nakita gayunpama'y sinikap niyang huwag itong ipahalata. Anong ibig sabihin nito? Hindi sila ang may gawa nito sa Empress kaya't napaisip siya. Imposibleng isa sa mga miyembro niya dahil kararating lang nila at wala siyang binigay na utos sa kahit na sino sa kanila na maaari nilang patayin ang Empress bukod doon ay hindi rin uyong napagplanuhan nila. Siya ang dapat na papatay sa Empress.
Ibig sabihin ba nito ay may iba pang nagtatangka sa buhay ng Empress at naunahan sila nito? Palihim na napabuntong hininga si Vincenzo at iwinaksi ang bumabagabag sa kaniya.
Ipinagsawalang bahala niya na lamang ito, total naman ay pabor din naman sa kanila ang nangyari sa Empress. Mabuti na rin iyon at mababawasan ang kanilang trabaho. Binalik niya ang atensyon at paningin kay Avriana na may sobrang samang tingin na pinupukol sa kanilang lahat.
Avriana gritted her teeth. "You..." she hissed, her face darkened. "Kayo ba ang may kagagawan ng lahat ng kaguluhang nangyayari sa imperyo?! Why are you here in our Empire? What are you trying to accomplish? Bakit niyo ginagawa ang lahat ng 'to?!" mariin at magkakasunod na tanong niya habang matalim na nakatingin sa kanilang lahat.
But Vincenzo only answered her with a loud devilish laugh. He couldn't help but be amused at Avriana's reaction. He hasn't even done anything yet, but he is now already beginning to enjoy the night. Sa katunayan ay hinila pa nga niya ang isang upuan sa tabi at umupo sa harap ni Avriana na para bang isa siyang uri ng palabas. Vincenzo smirked at her. This woman will surely going to entertain him later and he is certain that everything that will occur tonight is going to be be fan-fucking-tastic.
"Why?" muling tanong ni Avriana ng hindi pa rin siya sahutin ni Vincenzo. "Why are you doing all of these? What do you need? Tell me, what do you need?!"
"Wala naman. Trabaho lang," kaswal at walang kagatol-gatol na tugon ni Vincent pagkatapos ay sabay-sabay silang napatawang lahat na naroon.
Mas lalo tuloy nanggalaiti si Avriana. "Bastard!"
Tumayo si Vincenzo at nilapitan ito. "Huwag kang mag-alala Kamahalan. You're in good but dirty hands," nakakalokong sambit ni Vincenzo.
Pagkatapos ay walang babala at ubod ng lakas niyang hinampas ng baril at sinipa si Avriana dahilan para matumba at sumadsad ito sa sahig. Sinenyasan niya ang mga kasamahan nito na agad naman tumalima at iginapos si Avriana.
Kasabay nito ang pagdating ng isa pang unit ng Hellraiser Force na pinamumunuan ni Artemis na kanilang Vice Commander at asawa ni Vincenzo. Ang unit nila in charge sa pag-ubos ng mga royal guards at ibang tao sa loob ng palasyo. "Nahalughog na namin ang buong parte ng palasyo pero ni anino ng Emperor ay hindi namin nahanap. Mukhang wala yata siya rito," pang-iimporma ni Artemis kay Vincenzo pagkatapos ay napatingin siya sa Empress.
"Hindi kami ang may gawa niyan," bulong ni Vincenzo sa asawa.
Nangunot ang noo ni Artemis. "What do you mean?" she asked, confused.
"I'm not sure either. Pagkarating namin dito ay naabutan na namin siyang ganiyan. Duguan at walang buhay na nakahandusay sa sahig."
Saglit na napaisip si Artemis. "Ibig mo bang sabihin ay may ibang nakapatay sa kaniya? May iba pa silang kalaban bukod sa atin?" mahinang anito.
BINABASA MO ANG
The Great Empire of Levexon: The Beginning Of The End
ActionIts enemies are many. Its equals are none. It was claimed that Levexon could never be conquered. Levexon could never be humbled and could never be tamed. They saw this Empire as a terrifying natural powerhouse that deals in death and thunder. The...