V

56 3 0
                                    

The Next Rulers of the New Era

Walong taon makalipas ang 'di malilimutan at walang kapatawarang ginawa ng Hellraiser Force sa imperyo ng Levexon at ang kanilang karumal-dumal na pagpatay sa apat na royal family ng bawat kaharian ay hindi na ito muling nasundan pa. Dahil matapos ang matagumpay nilang misyon ay tuluyan nang nilisan ng buong Hellraiser Force ang lupain ng Levexon at hindi na muli pang nagparamdam ngunit ang kanilang mga ginawa ay nag-iwan ng isang malaking dagok ang sa buong imperyo.

Levexon suffered for four years as a result of what the Hellraiser Force did. Ang nangyaring pagpapasabog sa Shiganshina City at ang kamatayan ng apat na royal family ay nag-iwan ng malaking lamat sa buong Levexon. The empire has suffered numerous setbacks and the three kingdoms lost their rulers. This put Levexon in jeopardy, as well as causing widespread chaos throughout the empire.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay hindi pa rin natupad ang nais mangyari ng Ethreon Kingdom. Dahil bagamat tagumpay sa misyon ang Hellraiser Force ay hindi naman nangyari ang inaasahan nilang pagbagsak ng Levexon. Dahil sa loob ng sumunod na apat na taon ay unti-unting nakabawi at nakabangon ang buong Levexon. Sa loob ng apat na taon ay muling nanumbalik ang dating kaayusan at katatagan ng imperyo.

Bukod doon ay hindi rin nagawang patayin ng Hellraiser Force ang pinakamahalagang tao sa buong imperyo, iyon ay si Emperor Alaric. Ito ang dahilan kaya hindi tuluyang bumagsak ang imperyo. At lingid sa kaalaman ng Hellraiser Force ay may natitira pang tagapagmana ang bawat kaharian na hindi nila nagawang patayin noon, isang pagkakamali na panghabang-buhay nilang pagsisihan.

Dahil ang mga tagapagmanang ito ay ang sinasabing lalaban sa mga kaaway ng Levexon. Babalikan nila ang mga nagdala ng kapaitan sa kanilang imperyo noon at sila naman patitikimin ng bagsik ngayon.

Ang mga tagapagmanag ito ay ang bagong pag-asa ng imperyo. Sila ang matagal ng hinihintay ng bawat kaharian bilang kanilang bagong pinuno. Sila ang pinaniniwalaang mas magpapatibay at mas magpapakalakas sa Levexon. At sa oras na makaupo na sila sa trono ng bawat kaharian, siguradong lahat ng kaaway ay yuyuko sa kanilang paanan.

"Your Royal Highness, everything is all set."

"Very well, then. Tell them we'll be leaving in a second," sagot ni Fallon (Fallen) saka muling sinuot shades.

Ang kaniyang personal butler naman na si Yeager Theodan ay agad binuksan ang payong upang payungan siya. Ngunit bago sila tuluyang umalis ay muli munang pinasadahan ng tingin ng babae ang mga lapidang nasa harapan niya.

Ang nasa unahan ay ang lapida ng kaniyang lolang si Queen Aviona, ang dating reyna ng Rivendell na naunang namatay dahil sa sakit. Sa tabi nito ay nakapuwesto ang lapida ng kaniyang mga magulang na sina Prince Alasdair at Princess Grandina. Nasa kanilang bahagi naman ang lapida ng kaniyang lolong si King Nozel, kung saan nakahilera sa lapida ng mga nauna at yumaong pinuno ng kanilang kaharian. Ang tatlong ito ay kapwa namatay sa plane crash na kagagawan ng Hellraiser Force.

She smiled bitterly while staring at the tombstone of those who are important to her. "Don't worry, I'll take good care of our Kingdom. I will avenge your death and make those bastards suffer hell for messing with us..." she spoke with deadly seriousness, her eyes looked dead but powerful.

Pagkatapos nito ay tuluyan na nga nilang nilisan ang libingang para sa mga yumaong miyembro ng House of Bloodaxe at tinungo ang sasakyang magdadala sa kanila sa isang private plane na inihanda upang ihatid sila sa Adarlan. Because tomorrow will be the Coronation day of the next rulers.

She's Bloodaxe Aceso Fallon and tomorrow she will sit on her throne, wear her crown, and rule as Queen of Rivendell.

✒✒✒
------

The Great Empire of Levexon: The Beginning Of The End Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon