VII

46 3 0
                                    

Time to Get Even

"ARREN!" Ary called out loud when she saw her older brother sitting in front of the door of a room.

Agad itong tumakbo papalapit sa kaniya habang nakasunod naman sa kaniyang likuran ang kanilang lolo. "I'm glad you're safe." Hindi napigilang yakapin ni Ary si Arren nang tuluyan na itong makalapit sa kaniya. Kumalas din naman siya agad pagkatapos ay napalinga-linga siya sa paligid. "Where's Mother and Granny?" tanong niya nang hindi sila makita.

Hindi agad nakasagot si Arren. Nananatili lamang siyang nakayuko. His face was blank, no expressions, no actions. He was just practically sitting, eyes fixed nothing on particular. Halos mag-iisang oras na rin simula nang makaalis ang Hellraiser Force sa kanilang palasyo. At ngayon pa lang nakabalik ang Emperador sa kanilang palasyo kasama ang mga Warriors/Knights ng Adarlan.

Nasa kaharian ng Terrasen si Emperor Alaric nang mabalitaan ang naganap na pag-atake ng Hellraiser Force sa kanilang palasyo. Kaya naman wala sa oras na napasugod pauwi ang Emperador at dali-dali nitong pinatawag at pinapunta sa palasyo ang kasundaluhan ng Adarlan upang i-rescue ang pamilyang naroon.

Ngunit mukhang huli na nang makarating ang mga ito dahil wala na silang naabutan na bakas ng mga kalaban doon. Tanging ang nadatnan lamang nila ay ang mga nagkalat sa sahig na duguang bangkay ng mga tauhan at tagasilbi ng mga House of de Vil.

"Arren?" untag ni Emperor Alaric nang hindi pa rin kumibo ang apo.

"Arren, where's Mother and Granny?" tanong ulit ni Ary, malapit na itong maubusan ng pasensya bukod doon ay mukhang may kutob at ideya na rin ito sa nangyari sa ina at sa lola. "Answer me, Arren!"

"They are dead..." walang kasing lamig na sagot ni Arren sa kaniya.

At nang mag-angat ito ng tingin ay awtomatikong nanginig at tumaas ang balahibo ni Ary nang masalubong niya ang mga mata ni Arren. His eyes were full of fury. His eyes were like the devil's eyes. What was living behind his eyes were purely and simply evil. Arren had a stoic expression on his face and full of killing intent, who wouldn't shake in fear with the dark aura around him?

His jaw clenched. "Those fuckers killed them!" turan niya dahilan para parehong matigilan at magkatinginan sina Ary at Emperor Alaric.

Pagkatapos ay kumuyom ang parehong kamao ni Arren nang maya-maya pa ay lumabas mula silid ang ilang mga sundalo bitbit ang dalawang stretcher sakay ang kalunos-lunos na katawan nina Emeraude at Avriana.

"Mother! Granny!" bulalas ni Ary at mabilis silang dinaluhan. "No..." Ilang beses siyang napailing at kung hindi pa siya naalalayan ng yaya nito ay baka bumagsak na siya sa sahig. "No. It can't be... Mother... Granny..." aniya pa at tuluyan na ngang napaiyak.

Samantala nakaramdam ng kakaiba at matinding galit si Emperor Alaric matapos niyang lapitan at makita ang duguang bangkay ng asawa at manugang.

Arren on the other hand remained sitting while staring at his mother and granny. His expression was blank but his eyes were full of hatred. There's a burning anger inside him, he was so mad. No. He was beyond fucking wrathful.

"They will pay.... I will make them pay...." sambit nito. "Babalikan ko silang lahat at sisiguruhing wala ni isa man sa kanila ang makakatakas sa tunay na bagsik ng kamatayan at impyerno..." makapanindig balahibong wika ni Arren. Deadly aura was all over his face that Ary and Emperor Alaric can see and feel his bloodlust.

Bumuntong hininga si Emperor Alaric at lumuhod para mapantayan ang apo. Pagkatapos ay saka niya hinawakan ang parehong balikat nito at bahagyang pinisil doon. "That's right, hijo. We will definitely avenge them. That's why you should keep your heart cold. Revenge taste great when your soul is engulfed in hate. And that way, our revenge will gonna be sweet as hell..."

The Great Empire of Levexon: The Beginning Of The End Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon