GUSTO LANG
“Leonardo,” tawag ng isang pamilyar na boses mula sa aking likuran. Si Bliss iyon kaya napalingon ako. “Sorry sa ginawa ko kahapon.”
Wala naman siyang ginawang masama, nainis lang ako sa pagiging mapilit at maingay niya.
“Wala kang kasalanan.” tanging nasabi ko. Nagliwanag naman ang mga mata niya.
“Talaga?” she asked as she pouted her lips. Inangkla niya ang braso sa akin at idinikit ang pisngi sa balikat ko.
“Oo.” I uttered. “Stop doing that!” saway ko sa kaniya nang mapansing inaamoy niya ang uniform ko.
“Ayoko nga! Pero in fairness ang bango mo...” aniya at talagang ʼdi niya pa rin tinigilan ang pag-amoy. Napabuntong hininga na lang ako. Hinayaan ko siyang singhutin ang pabangong kumapit sa damit ko.
Napansin kong ilang minuto na ay hindi pa rin siya bumibitaw. Tinignan ko siya ulit. Inaamoy pa rin niya ang damit ko. Grabe, ganoʼn na ba ako kabango?
But... Someone I adore was sniffing into my uniform. I just realize... she was Bliss. The one that I adore.
Hinubad ko ang polo ko para ibigay sa kaniya iyon. Mukhang gustong gusto niya ang amoy.
“Hey!” mahinang pananaway niya. “Baʼt mo hinuhubad ʼyung uniform mo?! Nasa tapat tayo ng classroom niyo, ano na lang ang sasabihin ng mga kapatid mo kapag nakita ka nilang ganʼyan?”
“Ano na lang ang sasabihin nila kapag nakita ka nilang adik na adik sa amoy ko?” I smirked.
“A-Ano?! Hindi ako adik sa amoy mo!”
“Weh?” angal ko.
“Hindi nga!” she, again, denied.
“You know, Ms. Lopez,” I said then I started pulling her by her waist. “if you like me, then say it straight to my face so I can reciprocate your feelings.”
“I donʼt like you!” she stuttered.
“Then you love me?”
“N-Never!”
“Ihahatid na kita sa classroom mo.” I whispered to her ear and then my hand switched to her shoulder. “Hawakan mong maigi ʼyung polo ko.” I said as I pushed her other hand to her chest. It was to secure the polo shirt. Luckily, Iʼm wearing a thick sando underneath so Iʼm not halfway naked.
Katulad ng sinabi ko sa kaniya, hinatid ko na siya sa kaniyang klase. Bumalik ako sa klase ko pagkatapos.
Agad namang napansin ng mga kapatid ko ang suot ko. Para na naman silang ignorante. Parang ngayon lang nila ako nakitang nakasando at pantalon lang. Naupo ako sa puwesto ko sa tabi ni Adrian. He asked, “What happened to you?” and he gave me that kind of look.
“Nagtanggal ako ng polo kasi naiinitan ako. Aangal ka?” tinaasan ko siya ng kilay.
“Baka kung anong sabihin ng mga kaklase natin.” aniya. Sabay naming tinignan ang mga babaeng magkakatabi sa bandang likod. At mukhang pinag-uusapan na nila ako.
BINABASA MO ANG
Three Steps To You ✔︎
Jugendliteratur[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 3 "If you want to fight, Lorraine, then let me fight with you." December 30, 2021 - August 10, 2022