COMFORT ZONE
“Anong balak mo sa birthday mo, Leonardo?”
Habang kumakain kami ng hapunan ng mga kapatid ko, naging tahimik kami kaya siguro naisipan ni Adrian na basagin ang katahimikan.
Ano nga bang balak ko para sa kaarawan ko?
“Ewan ko rin.” I shrugged. “I wanted to try something new but Iʼm really out of ideas now.” I added.
“Hmm...” Calvin hummed while he was thinking about something. Pareho kami ni Adrian ay napatingin sa kaniya.
Maya maya pa ay tumayo siya sa upuan niya at nagtungo sa counter habang abala sa kaniyang cellphone.
“Calvin, would you mind to tell us what youʼre doing?” tanong ni Adrian. Iniba niya ang pagkakaupo niya. Inusog niya paatras ang upuan niya saka dumekwatro at ang kaniyang braso ay kaniyang pinagkrus. Ako naman ay nanatiling nakaupo ng maayos habang inosenteng naghihintay ng sasabihin ni Calvin.
“Shut up for a minute, Adrian.” he hissed at him. “This is business.” he added then he winked at us. Pagtapos niyang patahimikin si Adrian, tinalikuran niya kami pareho tapos may kinausap siya sa cellphone.
Nagkatinginan naman kami ni Adrian. “Sinong kausap niya?” tanong nito. Nagkibit balikat lamang ako dahil wala rin akong kaide-ideya kung sino iyon. Sabi niya business e. Pero... Anong klaseng business?
Hindi ko marinig ang mga sinasabi niya sa kausap niya dahil medyo malayo siya sa amin at mahina ang kaniyang boses-sapat lang na marinig siya ng kausap niya sa kabilang linya.
Isang minuto pa ang nakalipas at bumalik na siya sa upuan niya.
“If itʼs about business... You should tell Dad.” Adrian suggested.
Well, heʼs kinda right about that pero hindi pa gaanong nagkakaayos ang mag-ama. Pero maasahan namin si Dad kapag usapang negosyo, baka makatulong siya kay Calvin kung magsasabi ito.
“Itʼs not a serious business, donʼt worry, Adrian.” ani Calvin. Tinignan naman niya ni Adrian na tila naniniguradong walang ginagawang katarantaduhan itong kapatid namin.
“Letʼs just finish our dinner and head to our rooms after.” saad ko. Tumango silang dalawa. Nararamdaman ko na may gagawing katarantaduhan ʼtong si Calvin e kaya minadali ko na ang pagkain ko.
In the middle of having dinner with my brothers, Calvin peeped on his phone in his pocket and immediately stood up. Me and Adrian looked at him startled. Calvin didnʼt bother looking at us. Agad siyang umalis sa dining area. Napasilip naman kami ni Adrian sa bintana. Kita mula sa kinaroroonan namin ang gate.
May nakita kaming sasakyang kulay puti. “Hindi ba kay Mom ʼyon?” paniniguro ko kay Adrian. Nang lingunin ko siya ay tumango siya. Naalala kong ganitong oras pala ang dating ni Mom. Si Dad naman ay gabi na rin dumadating pero mas nauuna si Mom ng isang oras sa kaniya.
Sinalubong ni Calvin si Mom? How unusual...?
“Tapusin na natin ʼyung pagkain natin, Leonardo.” ani Adrian.
“Oy oy ʼwag muna.”
Biglang dumating si Calvin kasama si Mom at si... Bliss?!
Agad akong lumapit kay Calvin upang hilain siya palayo sa dalawang kasama niya na si Bliss at Mom, “Calvin, anong ginagawa niya rito?” tanong ko sa kaniya sa pamamagitan ng bulong.
Ngumisi siya saka ako kinindatan, “I told you, itʼs business.”
Nagtaka ako. “Business with her?”
BINABASA MO ANG
Three Steps To You ✔︎
Fiksi Remaja[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 3 "If you want to fight, Lorraine, then let me fight with you." December 30, 2021 - August 10, 2022