"Hija mag i-ingat ka sa condo mo okay?Laging isarado ang pinto bago umalis at bago matulog..Pag may nararamdamang sakit inom agad ng gamot..Kain sa tamang oras,wag papakapagod--"
"Tita..Paulit-ulit napo kayo jan,kahapon ganun din tapos ngayon ganun na naman ulit..Kaya kona po ang sarili ko,intindihin nyo nalang po ang sarili nyo.Sa tatlong taon ko dito sa inyo puro ako nalang po ang iniintindi nyo.." Sabay nguso ko,paalis na ako dito sa bahay ni Tita Lira para lumipat sa dating condo ni Tita Lira noon,nang malaman ni Tita Bea na dun ako titira sa condo nila ay agad nyang binigay saakin yun bilang pasasalamat sa pag tulong ko sa Store nila dati.Sobra-sobra pa nga ang mga binigay nila sakin kaya sobrang nag papasalamat ako dahil ang babait nila sakin.
"Sobrang mami-miss kita Czereena..Salamat dahil anjan ka palagi,salamat sa pagtulong.Please always be strong Czereena.." Sabay haplos nya sa muka ko.
Agad akong tumango at niyakap sya ng mahigpit,sa tatlong taon ko dito ang dami ko nang naranasang paghihirap pero anjan lagi si Tita Lira..Naging labandera ako,janitress,katulong..Pero andito parin ako..Eto parin ako patuloy na lumalaban..
"Alis napo kami.." Paalam ni Chester.
"Sige ingat kayo..Ikaw Chester alagaan mo yang Girlfriend mo ha?Wag mong papaiyakin.." Natawa naman ako sa sinabi ni Tita Lira.
"Opo naman po!I love Vien more than my life." Agad ko syang hinampas sa braso dahil nakakahiya kay Tita Lira.
Nung makapasa si Chester sa Exam nya sobrang saya ko dahil lahat ng pinaghirapan nya nabawi rin sa wakas.
Naiinggit din ako sakanila dahil lahat ng paghihirap nila,ang saya ng ibinabalik pero bakit ako?Lahat naman ginawa..Nagpakapagod lahat-lahat pero diko maramdaman ang saya.
Sumasaya lang ako sa tuwing kasama ko sina Jasmine,Cassy,At si Chester.Pero pagkatapos nun balik na ulit sa tahimik at madilim kong mundo.
Simula nang maging kami ni Chester,hindi na sya humiwalay sakin kahit nasa trabaho ako andun sya para bantayan ako.Buti nalang at pinapayagan sya ng mga naging boss ko.
At dun ko napag tanto na,"Chester is a nice boyfriend for me.."
"Ingat po Tita.." Paalam ko at ginawaran sya ng isang halik sa pisngi.
"S-si Heirra,Vien.Puntahan mo sya.." Agad akong tumango at Ngumiti ng malapad bago sumakay sa sasakyan ni Chester.
Ang tagal ko nang hindi nakakasama si Astrid,nalulungkot ako sobra dahil wala yung Ate na laging anjan sa tabi nya..Wala na akong balita sakanya simula nung umalis ako sa Store ni Tita Bea..Pero ang sabi ni Cassy ay nag aaral parin daw ito at Masaya ako dahil tinupad nya ang pangako nya sakin,kaso ako ang hindi tumupad.
"Hey Vi..Tulala ka na naman." Sabay pisil ni Chester sa kamay ko.
"Sorry..I miss Astrid.I miss him so much." Agad akong yumuko para punasan ang mga luhang pumapatak sa pisngi ko.Lagi nalang akong ganito sa tuwing naiisip ko si Astrid.
Agad namang tumigil ang sasakyan at Dahang-dahang inangat ni Chester ang muka ko para punasan ang mga luhang lumandas sa muka ko.
"Don't cry my Vi..Miss kana din ni Astrid,magkikita na kayo.." Pagkatapos nyang sabihin yun ay agad nyang hinalikan ang noo ko.
Agad ko naman syang niyakap ng mahigpit dahil anjan sya lagi sa tuwing iiyak ako,anjan sya nung nagpapakapagod ako kahit alam kong ayaw na nyang mahirapan ako.Pero makulit ako kaya wala na syang nagagawa kundi ang bantayan ako.
Matapos ang ilang minuto namin sa pag yayakapan ay ako na ang bumitaw.
"I'm okay now..Thank you Chester." I smiled to him.
"I love you Vi.."
"I love you Chester." I said sofly,Agad naman nyang pinisil ang pisngi ko habang nasa byahe kami ay hindi na mawala ang ngiti sa muka ni Chester kaya pati ako ay nahawa din.
Tanghali na nung makarating kami ni Chester sa condo ni Tita Bea,kung saan ako titira.
Nauna nang pumasok si Chester sa loob para ipasok na ang mga gamit,ibinigay nadin sa'kin ng isa sa mga tauhan ni Tita Bea ang susi ng aking condo.Tutal dalawa naman ito ibibigay ko nalang ang isa kay Chester may tiwala naman ako sakanya.
Napatingin ako sa tapat kong condo mukang wala pang nakatira.
"Vi!Tingnan mo ang ganda ng view!" Parang batang sigaw ni Chester,agad naman akong natawa at pumasok na sa loob.
Biglang nag form ng "o" ang bibig ko dahil sa lawak at laki pala nito,hindi ko akalain na ibibigay sa'kin 'to ni Tita Bea.Ang sarap pa sa pakiramdam.
Kaya siguro gustong-gusto dito ni Tita Lira..Dahil makikita mo ang nag tataasang building sa labas,mas masarap siguro dito pag gabi.
Sa sobrang excite ko ay tiningnan ko ang buong condo ko,at sobrang na mamangha talaga ako dito..White and gold ang theme nya,may isa ding malaking kwarto.
Lumabas ako sa balcony at isang masarap na hangin ang bumungad sa'kin kaya pumikit ako,naramdaman ko nalang na may yumakap mula sa likod ko.
"Ang ganda dito Chester..Nakakagaan ng loob." Sambit ko habang nakapikit,ipinatong naman ni Chester ang ulo nya sa balikat ko.
"Gusto ko din dito.."
"Makakapunta kana dito araw-araw,tyaka ibibigay ko sayo ang isa mga susi ko..I trust you Chester." Sabay haplos ko sa kamay nya.
"Thank you Vi..I love you." Sabay halik nya sa leeg ko,agad naman akong lumayo dahil may kiliti ako dun.
"Why?hahahaha!" Natatawa nyang saad.
"Kunyari pa sya alam naman nya.." Sabay nguso ko.
"Okay..okay..Hindi na come here na..Kakain na tayo." Pagpipigil nya ng tawa.
"Eh!Tumatawa ka e!" Reklamo ko,pag nag gaganyan kase sya uulitin pa nya ang gagawin nya.
"Okay hindi napo.." Sabay taas ng isa nyang kamay para i-zip ang bibig nya.
"Promise?" Agad naman syang tumango at Naglaan ng kamay para hawakan ko,dahan-dahan naman akong lumapit at hinawakan ang kamay nya.
"Joke lang!" Sigaw nya,agad naman akong napatili dahil hindi ako makawala sa higpit ng hawak nya sa kamay ko.
"Chester naman e!Apaka punyeta!" Sigaw ko,agad naman syang tumigil at hinalikan ako sa noo bago sya yumakap.
"Hindi na..Sorry muah!"
"Muah?Pero pisil ng pisngi ang ginawa." Agad naman syang natawa sa reaksyon ko kaya ginulo nalang nya ang buhok ko.
"Kain na tayo.." Pag-aya nya saakin,tumango naman ako bilang pag sang-ayon dahil gutom na din ako.
Baka mamaya nalang siguro ako mag ayos ng mga gamit ko,pag uwi namin wala kase akong dalang food kaya sa baba nalang kami kakain.May ipon naman na ako baka ibibili ko nalang yun ng mga gamit dito sa condo ko at mga pagkain.
Pag natapos kona lang siguro lahat dito sa condo ko ay baka mag hanap nalang ulit ako ng trabaho,at alam kong alam na yun ni Chester.Hindi ko pwedeng itigil ang hindi pag trabaho dahil iniipon ko ang bawat pag sahod ko para pag nagsama na ulit kami ni Astrid mabigay ko ang mga hindi ko nabibigay sakanya.
Ang tanging hinihiling kona lang ay sana humupa na ang galit sakin ni Astrid..Sana pag nagkita kami ay masaya sya dahil makakasama na nya ulit ako sa loob ng tatlong taong hindi namin pagkikita.
BINABASA MO ANG
That Night(That Series #1)
RomanceThat Series #1 COMPLETED Vien,Isang matapang,mabait,masipag at mapagmahal na kapatid ngunit kailangan nyang gampanan ang mga pagsubok sa buhay.Sa dami ng iniisip nya ay nagawa parin nyang mag mahal..Pero pa'no kung hindi lang pala sya ang nag mamaha...