Lumipas ang isang linggong pananatili ko dito sa condo ay magaan sa pakiramdam.walang ingay,Maaliwalas,ibang iba sa dati kong tinitirhan.
Aalis sana ako kahapon para bumili ng mga gamit dito sa condo,Pero nagulat nalang ako nang biglang may dumating na tao sa condo ko dala-dala ang kung ano-anong gamit,Pagkain.Pagkatapos nilang dalhin lahat ay may lumapit sa'kin na isang babae at binigay ang isang sunflower,Agad ko naman itong kinuha at napansing may papel duon sa sunflower.
Agad ko itong kinuha at binasa.
𝑇𝑜: 𝑉𝑖𝑒𝑛♡︎
𝐈𝐧𝐮𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐦𝐢𝐥𝐢 𝐛𝐚𝐠𝐚𝐥 𝐦𝐨 𝐤𝐚𝐬𝐞 𝐞,𝐒𝐨𝐫𝐫𝐲 𝐕𝐢 𝐤𝐨..𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐚𝐠 𝐝𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐲𝐚𝐧 𝐛𝐚𝐤𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐞 𝐛𝐮𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐚𝐧 𝐦𝐨𝐤𝐨 𝐡𝐞𝐡𝐞.𝐊𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐲𝐚𝐧 𝐕𝐢..𝐈 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐲𝐨𝐮.𝐹𝑟𝑜𝑚: 𝐶ℎ𝑒𝑠𝑡𝑒𝑟 𝑛𝑎 𝑝𝑖𝑛𝑎𝑘𝑎 𝑔𝑤𝑎𝑝𝑜シ︎
Natawa nalang ako sa sinabi ni Chester,Sobra-sobra pa nga tong binigay nya e.
Bumangon ako para simulan na ang pag ayos ng mga gamit,Wala ngayon si Chester dahil may a-asikasuhin muna daw syang report sa isang subject nya.
Agad kong tinali ng mataas ang mahaba kong buhok para hindi ito maging sagabal sa aking gagawin,Naka dolphin short lang ako at Sando para maaliwalas at hindi mainit.
Uunahin ko munang ayusin ang sa kusina,Agad kong kinuha ang isang kahon na puno ng mga iba't ibang pagkain.Halatang hindi ako papagutumin ni Chester..
Meron ditong mga naka lata,Noddles,Chi-chirya,Coke,Frozen food at iba pa.Matapos ang ilang minuto ko sa pag aayos sa kusina ay sa wakas na tapos nadin.May binili din palang mga kagamitan sa kusina si Chester kaya napangiti ako ng malapad dahil kompleto ang mga ito.
Babawi nalang ako sakanya pag nagkita kami.
Nagluto muna ako ng noddles at itlog bago ayusin ang sala,Habang nagluluto ako ay kumuha na ako ng pinggan at kutsara na aking gagamitin.Matapos ang ilang minuto ay natapos nadin at makakapag tanghalian na ako.
Habang kumakain ako ay biglang tumawag si Jasmine na may sariling condo narin,Pero hindi dito.
(Good Morning Vien!)
Agad kong nilayo ang cellphone sa tenga ko dahil sa tinis ng boses ni Jasmine.
"Tanghali na Mimina."
(Sabi ko nga..Anyway,Miss nakita pupuntahan kita jan sa new condo mo pag wala na akong gagawin.)
"Just take your time Mimina,Hindi naman tatakbo tong condo ko."
(Blah..Blah..Blah..I miss you Vien.)
"I miss you more Mimina..Bumangon kana para makapag tanghalian kana."
Alam kong kagigising lang ni Jasmine lagi naman pag tatawag sya sa akin ay kagigising lang nya,Siguro sa dami na netong ginagawa kaya laging puyat.
(Opo..Bye ingat ka.)
"You too.."
*𝐸𝑛𝑑 𝑐𝑎𝑙𝑙*
Agad kong tinapos ang pagkain ko para matapos kona agad ang mga gagawin ko,Pagkatapos kong kumain ay hinugasan kona ito para hindi makalat ang kusina.
Akmang pupunta na ako sa sala ng biglang mag ring ang cellphone ko,Agad ko itong sinagot nang makitang si Tita Lira ang tumatawag,bigla naman tuloy akong kinabahan.
"Hello Tita?"
(Czereena,Kamusta ka?Ayos ka lang ba jan sa condo mo?Kumain kana ba?)
Sunod-sunod na tanong ni Tita Lira pero alam kong hindi ito ang nais nyang sabihin,Katatawag lang nya nung isang araw at yan din ang tinanong nya kaya alam kong hindi ito ang nais nyang iparating.
"Tita..May sasabihin poba kayo?Please tell me napo."
Matinding katahimikan ang rumaan sa telepono,Nag buntong hininga muna sya bago ito mag salita.
(C-czereena..Y-yung Mama mo.)
'A-ano pong meron kay Mama?"
Nau-utal kong saad,Dahil parang hindi ito maganda.
(I-isang taon..na syang n-nakakulong Czereena.)
Matinding gulat ang rumaan sa aking katawan bago tumulo ang isang luhang hindi ko inaasahan.Agad kong pinatay ang tawag at napaluhod nalang dahil sa pangagatal ng aking mga tuhod,Agad akong napatakip sa bibig bago umiyak ng tahimik.
Ang daming tanong ng aking isipan pero iyak lang ang lumalabas sa bibig ko.
Alam ko na ang dahilan kung bakit sya nakulong..Siguro sa pag be-benta nya ng drugs,Pag gamit ng drugs..Pero hindi ko inakala na..na makukulong si Mama.
Kahit na ganun sya saakin mahal koparin sya dahil kahit pag balik-baliktarin ang mundo Mama kopa rin sya..Ang sakit para saakin na marinig na nasa kulungan na si Mama.
Pagkatapos ng ilang minuto kong pagiyak ay napatulala nalang ako sa labas,Tinanong kung bakit nangyayari toh saakin?Si Astrid alam rin ba nya ito?Nandun ba sya nung kinulong si Mama.
Habang iniisip ko ang mga ito ay unti-unti na namang kumakawala ang mga luha ko,Tumingin ako sa langit bago pumikit.
"P-pa..Kailan po ito matatapos?Ang sakit napo Papa,Nasa kulungan na si Mama,Si Astrid hindi ko parin po kasama..P-papa tulungan nyo po ako..Napapagod rin po ako." Agad akong yumuko para pigilan ang hagulgol na lalabas sa aking bibig.
Pumunta ako sa sala para ituloy ang paglinis at pag ayos nito kahit wala na akong gana at bagsak na ang katawan ko,Sunod-sunod rin ang pag tunog ng aking telepono pero hindi ko ito sinasagot dahil napapagod na ang utak ko.
Mabilis akong tumayo ng makitang si Chester ang tumatawag,Bumuntong hininga muna ako bago ko ito sagutin.
"C-chester.."
Napakagat ako ng labi ko dahil sa pag utal ko.
(Vi..Okay ka lang ba?Gusto mo puntahan kita jan?Please tell me kung okay ka lang..Wag kang umiyak okay?Andito lang ako kaya natin toh..)
Napatakip ako sa bibig ko nang bigla na naman akong umiyak.Alam narin pala ni Chester,Pero bakit ngayon ko lang nalaman?Kung isang taon na pala itong nakakulong..
(Hinatayin moko jan pupuntahan kita..)
*𝐸𝑛𝑑 𝑐𝑎𝑙𝑙*
"Thank you Chester,Dahil lagi kang anjan pag kailangan kita.." Bulong ko.
"𝐏𝐞𝐫𝐨 𝐦𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐫𝐭𝐞 𝐩𝐚𝐫𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐢𝐬𝐢𝐩 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐬𝐚𝐲𝐚,𝐃𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐚𝐥𝐚𝐦 𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐭𝐢𝐭𝐢𝐠𝐢𝐥 𝐧𝐚 𝐬𝐢 𝐌𝐚𝐦𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐧𝐲𝐚.𝐒𝐚𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐬𝐲𝐚,𝐒𝐚𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐭𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐧𝐚 𝐬𝐲𝐚 𝐧𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐭𝐚𝐦𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐲𝐚."
BINABASA MO ANG
That Night(That Series #1)
RomansaThat Series #1 COMPLETED Vien,Isang matapang,mabait,masipag at mapagmahal na kapatid ngunit kailangan nyang gampanan ang mga pagsubok sa buhay.Sa dami ng iniisip nya ay nagawa parin nyang mag mahal..Pero pa'no kung hindi lang pala sya ang nag mamaha...