Simula nang malaman kong nakakulong na si Mama..Parang gusto ko syang puntahan hindi para magpakita sakanya,Kundi para tingnan kong okay lang ba sya dun.Pumupunta narin dito si Jasmine ng madalas para samahan ako pag wala si Chester,Sinabihan kase ni Chester na bantayan ako ni Jasmine habang wala sya.Ewan ko ba at kailangan pang bantayan e kaya ko naman ang sarili ko.
Natatakot daw kase silang hindi ako kumain dahil sa nangyari kay Mama,Nasabi ko rin kase sakanila na pag nalipasan ako ng gutom ay magkakasakit agad ako.Kaya pag free si Chester andito sya o kaya naman ay si Jasmine.Natatawa na nga lang ako sakanila dahil sobrang care nila saakin kahit wala naman akong naitulong sakanila.
Siguro pag natapos lahat ng problema ko babawi ako sakanila,Kung matatapos ang problema.Pero sana nga matapos na.
"Vi..kainin mo tong iniwan ko okay?Busy si Jasmine ngayon kaya...Pwede bang si Cassy muna ang kasama mo?Okay naman na kayo diba?" Nakanguso nyang saad,Dito kase natulog si Chester sa condo ko para bantayan na naman ulit ako.Pero ngayon ay maaga syang aalis dahil may klase pa sya.
"Wala bang pasok si Cassy?Kaya ko naman sarili ko wag mo na syang abalahin pa." Sabay lagay ng lunch box nya sa bag,Ako na kase ang nagluluto ng pang lunch nya para hindi na sya mag aksaya pa ng pera.Gusto naman nya dahil masarap daw ang luto ko.
"Wala silang pasok,Tyaka sya pa nga nag sabi na gusto karin daw nya makita." Tumango-tango naman ako sa sinabi nya.
"Alis na ako Vi ko.." Sabay halik nya sa noo ko.
"Take care Baby boy!" Pahabol ko bago sya lumabas.
"I'm not baby boy!" Singhal agad nya,Natawa naman ako sa naging reaksyon nya.
"I love you!" Sigaw ko,Para mawala ang kunot sa noo nya.
"I love you too Vi ko!" Nag wave nalang ako bago nya isara ang pinto.
Agad kong niligpit ang mga naka kalat sa kusina bago mag linis ng buong condo,Nakahanap nadin ako ng bago kong trabaho ang sabi ay sa lunes daw ang simula ko bilang isang utusan sa call center.Hindi nga sana payag si Chester kaso nagpumilit ako.Tyaka medj malapit lang naman itong pagpapasukan ko sa condo ko,Isang buwan ay may 10k kana agad kaya wala na akong nagawa kundi pasukin nalang pera din yun.
Sana nga lang ay mababait ang mga makakasama ko,Ayoko sa lahat bida-bida.
Matapos kong mag hugas ng pinggan ay sinimulan ko nang mag walis sa sala hanggang kwarto,Sunod ko namang ginawa ay nag punas ng mga bintana at mga mesa.Matapos nun ay sinimulan kona ding mag lampaso ng sahig para mas makita ang linis ng sahig.
Matapos ko sa mga gawain ay kinuha ko ang jacket,At wallet ko upang bumili ng makakain ni Cassy,Pag bukas ko nang pinto ay agad akong napatingin sa harap kong condo hindi ko alam kung bakit curios ako kung kaninong condo yan.Para bang nasasabik akong makita ulit ang taong yun kahit ang tagal ko nang hindi sya nakikita.
Minsan napapaisip ako kung saan sya nagpunta?Kung bakit parang ang tagal nya bumalik?Gusto kong malaman mula sakanya kung sino ba talaga sya..Kung sino ba talaga si Hasher sa buhay ko.
Napailing nalang ako at dali-dali nang umalis dun,Matapos ang ilang minuto ko dun sa baba ay nakabalik na din ako,hindi naman madaming tao kaya mabilis akong nakaalis.
Ang binili ko lang ay pizza at juice siguro okay natoh kay Cassy..Favorite daw kase ni Cassy ang pizza sinabi sakin ni Chester yun,Naikwento ko rin kay Chester yung pagkikita namin ni Cassy noon sa DAVION STORE at ang paghingi nya ng tawad.Masaya naman daw si Chester dahil nagkasundo na daw ang dalawang prinsesa nya.
Akmang u-upo na sana ako nang marinig ko ang door bell siguro si Cassy na ito,Dali-dali kong pinagbuksan sya ng pinto at sumilay agad sa muka nya ang nakangiting muka nya mas nakakaagaw din nang pansin ang nakalubog nyang dimple.
"Hi Ate Vien!" Masayang bati nya,Manang-mana sa kuya.
"Hi Cassy pasok ka.." Agad naman syang pumasok at nilibot ang buong condo ko.
"Omg!Ang ganda ng condo mo Ate Vien!Parang ako!" Natawa nalang ako sa sinabi ni Cassy,Yung kaninang tahimik na condo ay ngayon ay boses nani Cassy ang napapabuhay dito.Chester na Chester talaga.
"Kyahh!Pizza!Hala para sakin ba toh Ate Vien?Hala thank you..Thank you.." Parang bata nyang saad,Ang cute!.
Na-miss ko tuloy ang kapatid ko,Sana makita ko ulit yung mga ngiti nya.
Kumain muna kami ni Cassy ng pizza,Kwentuhan,Tawanan.Na parang magkabarkada lang.
"Alam mo Ate Vien nanakawan ako hmmp..." Nakasimangot na sya ngayon habang ngumu-nguya ng pizza.
"Saan?Sinaktan kaba nya?Kailan yun?Nag sumbong kaba sa mga pulis?Alam ba toh ng kuya mo?" Nag pa-panic kong saad,Ayokong may masaktan sa mga naging parte na nang buhay ko.Okay lang na ako.
"Ate Vien..Chill ka lang okay?Walang nasaktan..Pumunta lang kami ni Astrid sa cafeteria para bumili ng food kase nagugutom na ako,Tapos ayun nakalimutan kong dalhin ang bag ko..Ang pinagbibintangan naman nila ay yung kaklase namin yung tinatawag nilang "SNATCHER BOY"pero sabi mo nga Ate Vien "Kapag hindi mo nakita,Wag mang husga kase ang ending ikaw parin ang mali."" Pagkwento ni Cassy,Agad naman akong napanatag at hindi sya nasaktan.Napangiti nalang ako dahil nasa isip parin pala nya ang mga sinabi ko noon kahit ngayon nalang ulit kami nagkita.
Naging busy narin kase sya sa mga schoolworks nya kaya hindi sya makapunta dito.
"Ate Vien,Don't smile like that.."
"Oh..Sorry..But Cassy ingatan nyo ang sarili nyo okay?Yung mga mahahalagang bagay nyo ni Astrdi ang laging dalhin."
"Opo!" Nakangiting nyang saad bago kumain ulit ng pizza.
"Si..A-astrid..Kamusta?Asan sya ngayon?A-andun ba sya nung kinulong si Mama nung gabing yun?" Na-uutal kong saad,Alam kong mas nakakasama ni Cassy si Astrid nang madalas.
"Okay lang si Astrid,Pero wala po sya nung kinulong si Tita Cheska kasama kopo sya nun sa bahay.Nalaman lang namin nung hinatid ko sya sa inyo at may lumapit saaming babae tapos sinabing dinala sa pulis si Tita.."
"Pero Ate Vien..Grabe ang lungkot ni Astrid nun..Dahil wala na syang makakasama sa bahay nyo,Mag isa na sya,Tahimik,At wala yung Ate na laging tatawag sakanya para kumain.." Pagtutuloy ni Cassy,Agad naman akong napayuko sa sinabi ni Cassy..
"I-i'm sorry..I'm sorry.." Paghagulgol ko.
"Patawarin mo si Ate Astrid..Hindi ko ginusto toh,Mahal na mahal ka ni Ate..Babalik ako pangako..Babalik si Ate." Bulong ko.
Agad naman akong niyakap ni Cassy,At dahang-dahang hinagod ang likod ko.Dahil sa ginawa nya parang andito rin si Chester sa tabi ko.
"Kailangan kana ni Astrid..Ate Vien.Alam kong miss kana nang kapatid mo dahil nakikita ko yun sa mga mata nya."
"B-babalik ako..Mag sisimula ulit kami ni Astrid..Mag sisimula kami nang kami lang dalawa ang mag tutulungan."
"Proud ako sa pagiging Ate mo,Ate Vien.Dahil lahat ng hirap,sakit,pagsubok ay unti-unti mong nalalampasan.At alam kong proud na proud din sayo ang Papa mo." Bulong na saad ni Cassy,Napangiti nalang ako sa isip ko dahil sa galing mag comfort ni Cassy.
Hindi nagkamali si Astrid ng kaibigan..At nakikita ko yun noon at ngayon.I hope hindi masira ang pagsasamahan nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
That Night(That Series #1)
Roman d'amourThat Series #1 COMPLETED Vien,Isang matapang,mabait,masipag at mapagmahal na kapatid ngunit kailangan nyang gampanan ang mga pagsubok sa buhay.Sa dami ng iniisip nya ay nagawa parin nyang mag mahal..Pero pa'no kung hindi lang pala sya ang nag mamaha...