Chapter 1

41 1 0
                                    

Sabrina's P.O.V.

"Ano?!" Sabi ko kay mama. "Ma, ayokong malayo sa inyo." Malungkot na sabi ko.

Paano ba naman ang gusto ni mama sumama ako sa lolo ko dahil kinukuha ako. Hindi pwede! Ayokong iwan sila mama tsaka kakamatay lang ni papa baka lalong ma-depress si mama nito.

"Sumama ka na anak." Naiiyak na sabi ni mama sa akin. No! Hindi ako sasama kahit mahirap kami nagawa naming masaya at simple ang buhay namin tapos nawala lang si papa gusto ng daddy ni papa na sumama ako sa kanya?

"Pinagtatabuyan nyo na ba ako?" Naiiyak na sabi ko. Ganun kasi ang dating sa akin eh. Ayaw na sa akin ni mama parang pabigat na ako.

"Hindi sa ganoon anak. Mahirap tayo, ni hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera na ikabubuhay natin at hindi ko rin alam kung makakapagtapos kayo ng mga kapatid mo ng pag-aaral. Ang gusto ko lang naman ay sumama ka sa lolo mo dahil alam ko na mas makakabuti yun sayo. Mas maganda ang buhay na iyon sayo." Sabi ni mama sa akin. Umiling ako sa sinabi nya.

"Oo, ma. Mahirap tayo pero hindi naman natin kailangan ng mga luho o kayamanan para mabuhay tayo eh. Sipag, tyaga at pagtutulungan! Yun ang kailangan natin." Sabi ko kay mama pero sya naman ang umiling.

"Kapag nasa mansyon ka na ng lolo mo. Maging mabait ka. Magtapos ka ng pag-aaral. Yun ang inaasahan namin sa iyo, Sabrina. Sumama ka sa lolo mo at gawin mo kaming proud sayo." Naka-ngiti habang umiiyak na sabi sa akin ni mama pero halata sa boses nya ang lungkot. Tama si mama! May punto sya. Wala na akong nagawa kundi ang tumango.

~kinabukasan~

"Anak, nandyan na ang sundo mo." Sabi sa akin ni mama at tinulungan ako ibaba ang mga gamit ko.

At pagpunta ko sa labas. Nga nga! Ang gara ng sasakyan limousine. Taray! Mayaman nga talaga ang angkan nila papa. Haist! Nakita kong bumaba yung MIB at tinulungan si mama sa mga gamit ko.

"Young lady, maari na po ba tayong umalis?" Sabi ng isa sa kanila at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Bago ako pumasok tinignan ko yung kabuuan ng bahay namin.

Mama, babalikan ko kayo kasama ng mga kapatid ko. Magiging proud kayo sa akin. Magpapakabait ako tulad ng sinabi nyo sa akin. Lagi ko pong tatandaan yung mga bilin nyo sa akin ni papa. Kaya ko po 'to!

"Anak, aja!" Sabi ni mama sa akin ng naka-ngiti bago pa ako tuluyang makapasok. Tinanguan ko naman sa mama at ngumiti.

~

Pagdating ko sa mansyon ni lolo agad naman nya akong sinalubong at pinakilala sa mga tauhan nya.

"At ito naman iha ang kwarto mo. Kumpleto na ang mga gamit dyan pero pwede mo pa naman ilagay iyang mga dala mong gamit." Sabi ni lolo sa akin. Agad ko namang inilibot ang tingin sa kwarto ko daw. Wow! Ang laki ng kwarto na 'to. Parang bahay na namin 'to eh.

"Lolo, napakalaki naman po ng kwarto na 'to. Okay lang naman po ako sa maliit na kwarto." Sabi ko kay lolo habang nililibot pa rin ang tingin ko at umupo sa kama. Ang laki ng kama! Kaya ata hanggang limang tao dito eh.

"Apo naman. Magiging tagapagmana ka ng lahat ng ito. Pag nawala na ako dito sa mundo sayo ko ipapamana ang lahat ng 'to kaya mas mabuti kung masasanay ka na habang maaga." Sabi ni lolo sa akin.

"Magpahinga ka na at bukas na bukas din maaari ka ng pumasok sa bago mong school. Kailangan mo ng lakas para bukas." Sabi ni lolo sa akin. Tumango naman ako bilang sagot at umalis na si lolo.

Grabe! Ang laki talaga ng kwartong 'to. Gaano ba kayaman si lolo tapos sya lang mag-isa ang tumitira dito. Bakit ba ayaw nyang isama sila mama at mga kapatid ko? Namimiss ko na agad sila.

Tumingin ako sa side table ng kama ko may picture. Kinuha ko yung picture at napa-ngiti ako. Yung nasa picture kasi ay ako, si mama, papa, mga kapatid ko, lolo at lola.

Papa, nasan ka na ba? Na-mimiss na kita. Pati din si mama at mga kapatid ko. Na-mimiss mo rin ba kami dyan papa? Masaya ka ba dyan? Hayaan nyo po, gagawin ko yung mga bilin nyo sa akin. Magiging proud po kayo sa akin ni mama.

Nagulat ako ng may pumatak na tubig sa picture. Umiiyak na pala ako di ko namalayan agad ko naman pinunasan.

Magpapahinga na ako. Papasok pa ako bukas.

This is it, Sabrina Elaine Hymen! Be ready for the next chapter of your life.

Section: ♥Popular♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon