Mahal? Pwede naman nating ilaban
Mahal na kita at ayokong tapusin ang ating nasimulan
Maaari bang tayo nalang?
Maaari bang ako nalang?Sayo ko naramdaman ang tunay na saya
Ganito pala ang pakiramdam kapag nattrato ka ng maganda
Hind ako maka-paniwala
Na ang dating pangarap ko, ngayo'y nararanasan ko naNaiinggit sa ibang tao
Iniisip kung 'kelan ko naman kaya mararanasan 'to?'
'kelan naman kaya ako?'
'mapaparamdam rin kaya sa akin ito?'At sa wakas, nariyan kana
Ang tagal mo nang nandiyan ngunit Hindi kita nakita
Bulag nga ba akong talaga?
O Hindi lang talaga kita napansin nung unaNaranasan ko sayo ang tunay na ligaya
Na hindi naparamdam sa akin ng iba
Nakakatawang isipin
Ang daming dumadating ngunit ikaw palagi ang pipiliinMinsa'y takot ang nararamdaman ko
Sa tuwing naiisip kung may patutunguhan ba 'to
Ang pag-ibig na ating binubuo
Ay nakasalalay sa ibang taoPangakong hihintayin ka
At sa dulo sana'y maging akin ka
Mahal kita
At ilalaban kita.
BINABASA MO ANG
~Pwedeng tayo pero bawal sa mata ng ibang tao
Poetryiibigin ka kahit ayaw sa atin ng iba. -StephanieFaithCaurel