1st Month

5 0 0
                                    

Amid's Pandemic, nakauwi ako ng Pinas. I don't know what really happen pero parang nagmilagro, bumukas ang langit sa lahat ng resolusyon ko sa buhay that time. As in, dun ko nga rin napatunayan na hindi permanente ang hirap. Sabi nga ng isa sa pinakamagaling kong ate, dadaan lang yan, matatapos din, and yeah natapos dun yung torture naming lahat.

Everything went smoothly, naunang nakauwi yung kuya ko, sumunod ako, sumunod yung tita ko. Mahabang kwento, paikliin ko na lang. Kung nabasa niyo yung 'Reset' sa mga dulong chapters nun, nabanggit ko na naghirap ako abroad until pandemic came at na-stuck kaming lahat dun. Akala ko talaga ayun na yung pinaka-nakakabaliw na sitwayong mararanasan ko. Akala ko lang pala, tama nga ulit yung ate kong magaling, 'Talagang may paghihirap, habang buhay ka, kung wala... Edi patay ka na nun.'

1st Happy Month...
Sarap, after mastuck sa ibang bansa, nakauwi rin ng Pinas, at bilang OFW treneat din kami ng maayos ng Gobyerno nating maraming nagsasabing bulok, pero isa ako sa maswerteng nilalang na biniyayaan ng matuwid niyang sistema. Pagdating sa airport, swinab kami, at dinala agad sa maayos na hotel.

Delux room ata ang binigay sakin, may dalawang kama, maayos na paliguan at maganda talaga. Libre rin ang pagkain at internet ko ng apat na araw, masaya! At sarap magsolo sa hotel, lubusin mong maligo ng mainit na tubig, magkape, magtyaa, tapos di ka pa talaga magugutom.

Hindi ko alam kung sadyang di ako mapili sa pagkain, pero totoong nasarapan ako sa lahat ng sinerve nila sakin dun. Ansarap pati matulog sa malambot na dalawang kama, paikot-ikot lang ako dun habang yeah, every now and then nagvivideo call ang mama ko.

Ansaya niya, ansaya ko din, excited na kaming makita ang isa't-isa. Makikita ko na yung kapatid kung bulol na di na ko ata kilala (akala ko lang pala, niyakap din ako agad pagkadating ko, hehe dami ba naman niyang tsokolate e).

Hindi matutumbasan yung peace of mind ko nun kahit may pandemiya. Kampante ako na buo ang pamilya kong uuwian ko and mamumuhay lang kami ng normal. Ni hindi nga ako inuubliga ni mama noon na maghanap agad ng trabaho, basta ang importante, magsama-sama kami ng masaya.

Di ko rin makakalimutan yung saya sa dibdib ko nung finally lumabas na yung result ng swab, at yes! Negative ho ako at susunduin na nila kuya gamit ang sasakyan namin. Ansarap nun, ansarap sa pakiramdam na mawalan ka ng tinik sa lalamunan, makita ko ulit yung highway ng Pinas, Jollibee ng Pinas, at higit sa lahat, yung lubak na daan papasok sa min.

Tandang-tanda ko pa yung ingay ko sa bahay pagdating. Kamusta ako ng kamusta sa mga kapitbahay na nakikilala ko. Sobrang saya lang talaga.

Pagtapak ko sa bahay, sobraaangggg SAYA pa rin, di ako makapaniwala. Diretso akong CR syempre, pagpag, disinfect, para san? Syempre para sa pinaka-aantay kong yakap. Hehehe

Nakakatuwa, ang drama namin ni mama, nagkatinginan lang kami sa mata nun, taena nag-iyakan kami agad e. Tulad nung asa sinapupunan niya pa ko, nung magkakabit pa ang ambilical cord namin, di na kailangang i-explain by words kung ano yung natanggal na lungkot at hinagpis saming mag-ina. Naalala ko pa yung mga salita niya, 'Wag ka ng umiyak, nakauwi ka na oh. Andito na kayo.' Bakit nga ba panay iyak tayong mga babae?

Hindi ko rin alam e, tapos ako... Hahaha count me in for the best crying lady. Lahat iniiyakan ko e. Lahat ng emosyon ko, iyak ang katumbas. Madami talagang mananawa sakin neto.

Unang yakap, unang usap, unang kain together, sa gitna ng pandemiya.

Again, totoo nga, dadating din ang bukas, at walang permanenteng hirap sa mundo.

HappiestWhere stories live. Discover now