Buong biyahe hanggang makababa kami ng private jet ay wala na akong narinig na kahit ano mula sa kanya.
Hindi ko tuloy maiwasang pangunotan ng noo ko nang mapansin na nilagpasan lang niya ang mansyon.
"May I remind you na nadaan na natin iyong mansyon. Saan mo ba balak pumunta? Baka kanina pa ako hinihintay nila Mommy." medyo iritang sabi ko sa kanya.
"I sent your parents in a safer place. It is much better if my men will be with them all the time while you will be staying with me for the whole time." sagot niya na parang simpleng 123 lang iyong mga pinagsasasabi niya.
"Then what's the point ng pagdala mo sa akin dito if I won't be staying inside our house? Are you kidding me?" mas lalo akong naiinis dahil gulong-gulo na ako sa lahat ng nagiging desisyon niya.
Napabuntong hininga siya bago inihinto ang kotse sa isang bungalow na nag-iisa lang na nakatayo sa dulo ng lupain namin.
When did we had that freaking house? As far as I know, bukid lang 'to ng mga palayan noon pero nakakapagtaka na may nag-iisang nakatayo na bahay dito na napapaligiran ng mga halaman...and well ang palayan.
"We will be staying there." tanging sagot niya bago bumaba ng kotse at umikot sa side ko para pagbuksan ako ng pinto.
Napairap ako sa kawalan at inis na bumaba ng kotse niya. Aalalayan pa niya sana ako sa siko ko ngunit iniwas ko na lamang ang sarili ko.
Naglakad ako hanggang makarating sa tapat ng pinto at hindi ko maiwasang mapabuntong hininga. Is this even the rightest thing to do? Live with him?
Of all places, bakit pa sa Hacienda De San Pueblo nila naisipan na mag-stay ako? I mean, this is an open place. We are not even sure if this is the safest place that we can stay lalo na kung yung bahay ko nga nasalisihan, even our own restaurant.
'Is it really what you really care about or ayaw mo lang maalala lahat ng pinagsaluhan niyong dalawa ni Phoenix sa lugar na 'to?'
I shook my head and pinch my arm lightly. Nababaliw na ata ako.
Pagbukas niya ng pinto ay halos mapalunok ako sa bumungad sa akin.
This is not the same bungalow house where he was staying in, but everything from that old house is here. Napalunok ako ng ilang beses habang dahan-dahang humahakbang papasok kasunod niya.
Ramdam ko ang pagbilis ng kabog ng dibdib ko at ang ibayong kirot sa bawat pag-libot ng mga mata ko sa sulok ng bahay.
"Nananadya ka ba?" mahina ngunit may diing tanong ko sa kanya.
Hindi naman niya ako nilingon bagkus ay hinawi niya lang ang kurtina at binuksan niya ang bintana.
"Naglolokohan na lang ba tayo rito? Are you really testing my patience?" ramdam ko na ang mas lalong pag-kirot ng dibdib ko sa sobrang daming gumugulo sa isip ko.
Wala pa rin akong nakuhang sagot sa kanya at tuluyan ng napatid ang pasensya ko.
"Fuck you, Phoenix! Answer me!" sigaw ko sa kanya at nilapitan siya para suntukin ang dibdib niya.
"I'm sorry." tanging salita na namutawi sa bibig niya habang nakayuko.
"Sorry?! Really, Phoenix?! Sorry?! Sa lahat ng nagiging desisyon mo nang hindi nagtatanong sa akin, sorry lang ang masasabi mo? Sa lahat ng kagaguhan na 'to, sorry lang?! Sa lahat ng naging kasalanan mo sa akin tapos babalik ka lang ng parang walang nangyari, sorry?! Tang ina naman! Pagod na pagod na ako. Gulong-gulo na ang utak ko!" napahagulgol na ako sa sobrang dami ng emosyon na naghahalo-halo sa puso't isipan ko.
Bigla niya akong hinatak at ikinulong sa mainit na bisig niya. Mahigpit niya lang akong niyakap kahit pa pilit akong nagpupumiglas para kumawala sa kanya.
"Let me go, Phoenix! Damn you!" sigaw ko sa kanya at pilit na pinagtutulukan siya. Napahagulgol ako lalo nang maramdaman kong dumampi ang mga labi niya sa tuktok ng ulo ko.
Patuloy lang ako sa pag-iyak kahit pa rinig ko ang malakas na pagkabog ng dibdib niya.
"Why are you doing this to me? Why do you keep on hurting me? Ano ba ang naging kasalanan ko para saktan mo ako ng ganito?" mahinang tanong ko sa kanya kaya mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
"I'm sorry if I'm only causing you so much pain, Yell. Don't worry. Once you're safe, I'll never show up in front of you. Hindi na kita guguluhin. Hindi na ako susulpot sa buhay mo. Just let me protect you again. Just let me solve this problem for you." sagot niya at ramdam ko ang bawat sakit sa mga salita niya.
Akala ko ay ikagagaan ng loob ko ang mga sinabi niya pero mas lalo lamang kumirot ang puso ko sa kaalamang mawawala na naman siya sa buhay ko dahil lang sa parte ako ng trabaho niya.
Napangiti ako ng mapait at ipinikit ang mga mata ko sa pagod.
NAALIMPUNGATAN ako nang may maramdaman akong marahan na pagyugyog sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Phoenix.
"It's already dinner time. You should eat." sabi niya sa akin sa malambing na tono.
Walang salita na bumangon ako sa kama at lumabas ng kwarto na tinutuluyan ko. Tahimik lang ako naglakad hanggang makarating ako sa hapagkainan.
Napalabi ako nang makitang paboritong ulam ko ang nakahain sa lamesa. Napailing na lang ako at umupo na. Naramdaman ko naman ang presensya ni Phoenix sa likod ko pero agad din naglakad palayo.
Hanggang makakain ako ay hindi na siya bumalik pa. Napabuntong hininga na lang ako at niligpit ang pinagkainan ko. Dinala ko iyon sa lababo para hugasan ngunit may pumigil sa mga kamay ko nang hahawakan ko na iyong sponge.
"Ako na ang maghuhugas. Magpahinga ka na." sabi niya at inagaw sa akin ang sponge.
"No. I can do it by myself. Akin na yan." walang emosyon kong sagot sa kanya pero itinulak niya lang ako ng mahina at naglagay ng sabon sa sponge.
Sinamaan ko lang siya ng tingin bago umalis ng kusina. Edi siya na bahala sa lahat. Dumiretso ako sa nag-iisang kwarto sa bahay na ito at isinara anf pinto.
Napabuga ako ng hangin bago lumapit sa cabinet para maghanap ng magiging pamalit ko. Nakita ko roon na nakasalansan na lahat ng damit namin ng maayos sa hanger at ang iba naman ay nakatupi.
Kumuha lang ako ng isang pajama at tank top doon. Binuksan ko naman isa-isa ang mga drawer hanggang makita ko iyong underwear ko.
Wala naman akong nakita na twalya kaya lumabas ako ng kwarto para tanungin siya.
"Nasaan-" naputol ang saaabihin ko nang makita ko siya sa gitna ng sala habang nagtatanggal ng pang-itaas niya. Bumaba ang mga mata ko sa matipuno niyang dibdib at napalunok.
"Anong kailangan mo?" basag niya sa awkward na katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Napaubo naman ako at tinaasan siya ng kilay para maitago ang pagkapahiya ko. Ramdam ko naman ang pag-init ng pisngi ko sa kahihiyan pero hindi ko na pinansin pa iyon.
"Nasaan ang twalya? Hindi ko makita." sabi ko sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya na may kakaibang kislap.
"Nakasabit na sa cr." sabi niya kaya agad ko siyang nilagpasan at pumasok sa cr.
"Stupid, Yell. Nakakahiya ka. Nakakita ka lang ng katawan, mukha ka ng bibigay. Ano, uhaw lang?" mahina ngunit gigil na sita ko sa sarili habang nakatingin sa salamin.
'Uhaw ka naman talaga. Kulang ka sa dilig ilang taon na.'
Gigil na kinurot ko ang pisngi ko sa inis. Nababaliw na ata ako!
BINABASA MO ANG
Lascivious Series #3: Drive Me Crazy (COMPLETED)
RomanceYell San Pueblo and Lay Phoenix Valleja's Story Napalagok akong muli sa kopitang hawak ko habang pilit na iwinawaksi sa isipan ang mga ala-alang gusto ko ng ibaon sa limot. "You're drinking again." napatingin ako sa pumigil sa pagsalin ko ng alak. "...