False Hope Sucks [ONE SHOT STORY]

87 2 1
                                    

False Hope Sucks

Copyright © 2013 ExquisiteKaMEEL

Secret admirer? Ang korni para sakin. Pero hindi ko alam na sobrang kasiyahan pala ang mararamdaman ko ng dumating siya. Siya na laging nagpapadala ng sweetnotes, letters, flowers at kung anu-ano pa. Minsan nga may balloons at chocolates pa. Kadalasan lilingon lingon ako dahil baka nasa tabi lang siya at tahimik na nagmamasid at tinitignan ang reaksyon ko. Nakakahiya. Ayoko naman kasing sabihin niya na super inlove na ko sakanya, sa ginagawa niya. Oo, napapasaya niya ko. Kahit hindi ko alam kung sino talaga siya. Desperada na talaga akong malaman kung sino siya, at kung tama ba ang iniisip ko. Pero isang araw ganito ang nangyari.

"Hoy! Bansot! Pakopya naman." hindi pa ko pumapayag ay kinuha ni na Dex ang assignment ko. As if naman makakatanggi ako sa isang napaka-gwapong nilalang, yun nga lang ubod naman sa kayabanggan.

"Ang kapal talaga ng mukha mo! Akin na nga yan! Ang aga-aga mangongopya ka!" sabi ko habang nakikipag-agawan ng notebook ko.

"Napaka-damot mo naman, oh ayan! Kunin mo!" napaka-walang hiya talaga! Arrrgh! Tinapon ba naman yung notebook ko sa bintana. Napaka-walang modo talaga! Pano na ngayon to? Tinatamad pa naman ako bumaba. Hello? First floor kaya yung binagsakan at nasa third floor kami ngayon. Hay. Sana may choice ako, diba? :|

"Bwiset ka talaga sa buhay ko!" wala akong nagawa kundi bumaba. Kung hindi ko naman kasi gagawin yun, ako ang mawawalan ng assignment. Hay. Badtripppp to the tenth power! :|

Nagulat ako dahil ng malapit na ako sa notebook ko, may katabi na itong boquet of flowers. May kasama pang note.

Meggan. ♥

Whatever happens to your day, just relax and manage to make a smile. Life is not a problem to be solved but a gift to be enjoyed. Make everyday your best day! :)

- Your Secret Admirer

Napa-smile naman ako dun. Hay. Mr. Secret Admirer, magpakilala ka na. Nacu-curious na talaga ako sa pagkatao mo. Siguro malapit ka lang, pano mo naman kasi malalaman ang ganitong pangyayari sa buhay ko kung nasa malayo ka, diba? Sana lang talaga ikaw yung iniisip ko. Naku! Kung ikaw nga yun, ang saya saya! Happy happy! :D

"Hi, Meg! Wow ha. Hindi talaga sumasablay tong si Mr. Secret Admirer mo ha? May flowers na naman. Ano? Confirmed na ba? Siya nga ba?" umiral na naman po ang pagka-chismosa ng isang to. Pagpasensyahan. Kabisadong kabisado na kasi namin ang atay, balun-balunan pati na rin ang bituka ng isa't-isa. Kaya wala kaming maitago. Kaya ayun, alam niya na si Dex din ang hula ko. Oo, si Dex nga. Yung napaka-gwapong nilalang, na ubod naman sa pagkayabang. Crush na crush ko kasi siya dati palang. Nagkakilala kasi kami nung enrollment, matagal na. Nabaitan ako sakanya noon. Akala ko ay isang anghel, na pinadala sakin ni God. Pero nagkamali ako, lumabas ang tunay niyang ugali nang maging magkaklase kami, sobrang yabang pala niya at arogante. Hindi ko lang din maintindihan ang sarili ko, mas lumalala ang pagkagusto ko sakanya tuwing inaasar niya ko. Minsan nga nagkukunwari din akong asar sakanya. Para naman tuksuhin kami lagi ng 'The more you hate the more you love' saying.

"CONFIRMED! Kanina kasi hinagis niya ang notebook ko sa bintana, sino naman ang iisip na notebook ko yun? May inutusan siya para maglagay ng flowers katabi ng notebook ko, para pagbaba ko ma-surprise ako, diba?" ang galing talaga ng pag-aanalyze ko. Bravo! Pano ba naman kasing hindi magiging siya yun, eh ilang beses ko na siyang mahuli. At lahat ng signs of being my Mr. Secret Admirer ay nasa kanya. Dati kasi ay pumasok ako ng maaga, namangha nalang ako sa nakita ko. Puno ng balloons ang upuan ko, iba't-ibang kulay pa. Natawa nga ako, hindi ko naman kasi birthday. Mas ikinagulat ko pa nang makita ko si Dex sa classroom, nakaupo at ngi-ngiti ngiti. Kinausap ko pa nga.

False Hope Sucks [ONE SHOT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon