Hinahanap ko siya...
Ang aking sarili noong ako ay bata pa
Sapagkat doon ko lang ata nadama
Ang pagmamahal at aruga ni InaSana bata pa rin ako
Tatanungin kung gutom na ba
Kung may masakit ba
Patatahanin kung umiiyak naSana bata pa rin ako
Batang tila walang muwang sa mundo
At ang tanging alam ko
Ay mahal ako ng tatay at nanay koNgunit alam kong imposible
Ang nakaraan ay hindi na pwedeng ibalik pa
Mababalikan na lang ang mga alaala
Noong ako ay bata paSana kahit ako ngayon ay matanda na
Makarinig man lang ako ng, "Kamusta ka na?"
O kaya madama ang konting pag-aalala
Kahit ako'y hindi na bata pa.
BINABASA MO ANG
Poems of Lilaurcas
ПоэзияSamu't saring tulang sa puso't isipan ko nagmula. Nawa'y inyong magustuhan! Ingat!