BIGLANG kumabog nang malakas ang puso ni Anna nang sandaling iyon lumipas na ang January at malapit na matapos ang February at ni hindi pa siya dinadatnan.
"It can't be—"
Napatayo sa kanyang pagkakaupo si Anna at dali-daling kinuha ang kanyang wallet at pumunta sa pinakamalapit na botika para bumili ng PT.
"2 PT kit," saad niya sa pharmacist sabay abot ng kanyang bayad.
Mabilis namang kumuha ng PT kit ang pharmacist ngunit habang binibilang nito ang sukli ay hindi nito maalis ang tingin kay Anna. Tila ba sinusuri nito ang dalaga dahilan para tumingin sa ibang direksyon si Anna para itago ang kanyang mukha. Matapos na maibalot at mabilang ang sukli ni Anna ay iniabot ng pharmacist ang binili nito.
"Are you Anna Quinn? The author of My Island?" tanong ng pharmacist kay Anna.
Fuck!
Dahil sa pagkataranta ay mabilis na kinuha ni Anna ang biniling PT na hindi na nagawang kunin ang sukli at mabilis na lumabas ng botika. Dali-dali siyang naglakad pabalik sa hotel na kanyang tinutuluyan. She can't afford na masangkot sa scandal matapos ng pagkakahiwalay nilang dalawa ng manloloko niyang boyfriend. She can't lose her face in front of him at pagmukhain na siya ang nanloko kahit aksidente lang naman ang nangyari. Hindi maaaring malaman ng mga tao na buntis siya—kung talagang tama man ang kanyang hinala.
Habol ang kanyang paghinga ng makabalik siya sa kanyang k'warto. Ilang minuto siyang nagpahinga bago bumalik sa normal ang kanyang paghinga. Napatingin siya sa kanyang kamay na mahigpit ang pagkakahawak sa plastic na may lamang PT.
Napalunok at napahugot siya nang malalim. "Please, tell me that I'm wrong," pakiusap niyang sabi na hindi maalis ang tingin sa kanyang hawak.
Kinakabahan man ay pumasok siya ng CR para alamin kung tama ba talaga ang kanyang hinala.
***
ILANG MINUTO ang lumipas,
"No..." nanlulumong saad ni Anna na ngayon ay napaupo sa sahig dahil sa labis pagkabigla.
Muli niyang ibinaling ang kanyang tingin sa dalawang PT sa kanyang harapan na pareho may dalawang pulang linya.
"No... it can't be..."
Bumuhos ang mga luha sa kanyang mga mata dahilan para takpan niya ng kanyang mga kamay ang kanyang mukha.
"What am I going to do?" lumuluha niyang tanong sa kanyang sarili.
Muling nanariwa sa kanyang alaala ang nangyari sa kanya ng gabing iyon. Ang mainit na sandaling kanilang pinagsaluhan na siyang naging bunga ng nagsisimulang mabuhay sa kanyang sinapupunan. Pakiramdam ni Anna na tuwang-tuwa ang pagkakataon na paglaruan ang kanyang buhay. Simula ng masira ang kanilang pamilya, ang alitan nila ng kanyang ina, ang relasyon na inaakala niyang pang-habangbuhay at ngayon ay ang batang kanyang pinagbubuntis dahil sa isang pagkakamali.
"Hindi na ba matatahimik ang buhay ko?" nasisiphayong tanong ni Anna sa kanyang sarili dahilan para mas lalong bumuhos ang kanyang mga luha.
"Bakit ba ako pinapahirapan ng ganito? Ano bang nagawa kong kasalanan para parusahan ako ng ganito?" humahagulgol niyang tanong.
Sana namatay na lang ako...
***
HINDI pa rin lubos na makapaniwala sa resulta ng PT na kanyang ginawa kaya pumunta siya ng ospital para siguraduhin kung tama ba talaga ang kanyang ginawa. Ngunit kahit na anong gawing pagkaila ni Anna sa kanyang sarili na hindi siya buntis ay 'yon at 'yon pa rin ang lumalabas.
"Congratulation, Ms. Quinn!" masayang bati ng doktora. "Mommy ka na," nakangiting dagdag nito.
Malinaw at sa isang propesyonal niya na narinig na buntis siya ngunit hindi magawang gumuhit ang tuwa sa mukha ni Anna. Pagkabigla, panlulumo at kaba ang nangingibabaw sa kanyang katawan nang sandaling iyon.
BINABASA MO ANG
My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)
Romansa(This story contains an obscene plotline. You should read at your own risk. R-18) Anna Quinn is an adventurer who loves to travel to new places not only for the sake of adventure, but also to gather information for her novel. Her passion for literat...