Chapter 1

43 2 0
                                    

.

Chapter 1: The Broken Novelist




Dani's Point of view



Tahimik lamang akong nakaupo sa mahabang bench na kaharap lamang ng pinto habang naghihintay na tawagin ako sa loob nong secretary . Mataman lamang akong nakaupo habang hawak sa isang kamay ang manuscript na kanina ko pa paulit-ulit na pinapasadahan ng tingin.

Mayamaya lang din ay nakita kong bumukas na yung pinto at iniluwa nito si Cristina, ang sekretarya ng aking Chief Editor ng isang publishing company na aking pinagtatrabahuan

"Miss Feliciano" dinig kong tawag sa'kin ni Cristina kaya naman agad akong napatayo.

"Pumasok ka na daw sabi ni Sir"nakangiting sabi nito sa'kin at niluwangan ang pagkakabukas ng pinto upang makadaan ako.Ginantihan ko din ito ng ngiti . Medyo close din kasi kami nitong si Cristina. Mabait kasi si Tine kaya nagkakasundo kami minsan.

"salamat Tine"

Pagkapasok ay agad akong nagtungo sa opisina ng editor-in-chief ko. Nadatnan ko siyang abala sa paghahanap ng kung ano sa mga papel na kaharap nito ngayon.

"Good morning Sir"bati ko rito. Nakitang kong nag-angat naman ito ng kanyang ulo upang tingnan ako. Nginitian niya ako.

"Ikaw pala Dani. Please have a seat" sabi nito at itinuro ang upuan sa harapan nito. Agad din naman akong naupo. Inayos ko muna ang manuscript na hawak ko at saka ko ito iniabot kay Boss. Chineck niya naman isa-isa ang bawat pages. Medyo kabado pa ako habang pinapasadahan nya ito ng tingin .

Hindi ko mabasa ang iniisip niya kasi tahimik lamang itong nagbubuklat ng bawat pages ng manuscript na iniabot ko sa kanya. Sana naman hindi niya na ipaulit sa'kin. Magdamag ko kasing pinagpuyatan yan para lamang matapos at umabot ako sa deadline.

Pwede ko nama sanang eemail nalang sa kanya yun pero nagdecide akong personal na iabot sa kanya yun para naman makakuha agad ako ng feedback galing sa kanya.

"Dani.." dinig kong tawag nito kaya naman napatingin ako sa kanya.

"yes boss?" kinakabahang sagot ko dito. Napapalunok na ako sa kaba.

"I know you're an excellent writer. Walang duda kapag ikaw ang gumawa but...." Dinig kong sabi nya at medyo nag aalangan sa susunod niyang sasabihin kaya mas lalo lang akong kinabahan kung ano nga ba yung BUT na gusto niyang sabihin.

Ayaw niya siguro akong masaktan sa sasabihin niya.

"...but I think you should take a break" sa wakas ay nasabi din niya . Napatayo tuloy ako bigla at napahawak sa table niya. Naguguluhan ako. Bakit?bakit niya ko pinapahinto??hindi ba maganda yung nagawa kong story?? Nagsasawa na ba sila sa'kin?? Hindi na ba ako effective writer? Mahina na ba ang mga sales ng mga libro ko?? Pero last time sold out naman lahat ah?

Ang dami kong katanungan. Gulong-gulo na ako sa totoo lang.

"B-but why?hindi mo ba nagustuhan yung gawa ko ngayon?? I can revise it naman if you want,but please 'wag mo naman akong i-sesante"

Narinig kong natawa ito ng bahagya"who told na I will fire you?ang sabi ko lang Miss Feliciano na you should take a break from work. Hindi sisante" Sabi nito.

"pero bakit?may mali ba sa sinubmit ko ngayon??"naguguluhan pa rin kasi ako.

"No,actually maganda. Pero I want something new from you and I think magagawa mo lang yun if you take a break"suggestion nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear SolitaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon