Good morning, Salamat sa panibago araw. Ginawa ko ang daily task ko. Nag breakfast , naligo at pumasok sa work. Sa sobra stress ko sa work nag download ako ng basketnall game sa mobile. Naging busy ako sa paglalaro ng naturing na game. Hanggang may nakilala ako isang lalaki na naging kaibigan ko. He added me on my wechat account and facebook. Naging magkaibigan kami for a year. Kinuwento niya lahat ng worst thing na nangyari sa kanya. Suicidal din siya peroandyan ako para i-build up na wag siya susuko. Let just call him Messiah
Ayoko na mabuhay, binigay ko lahat lahat ng gusto niya. Sobrang minahal ko siyang higit pa sa sarili ko. Pero ano ? Tapos makakareceive na lang ako invitation letter?na ikakasal na siya sa ibang lalaki ? bakit ano ba ginawa ko mali para lokohin niya ako.
Ayan ang mga kataga binitawan niya. Nakita ko lahat ng downfall niya. Kung paano siya nagattempt na magpakamatay. Kung paano niya nilulong sarili niya sa alak. Andyan lang ako bilang kaibigan niya. Dahil hindi ko naman talaga siya gusto. May iba ako gusto at yun ang kanya kaibigan ngunit taken na ito kaya binura ko sa isipan ko na mahalin siya. Alam ko mali yun kapag pinagpatuloy ko pa. Masasaktan at masasaktan lang ako. Time goes by naging maayos na si Messiah. He pursue me , He thank me because I am always there sa panahon hindi niya alam paano magpapatuloy. Hindi siya Filipino at hindi rin siya taga Philippines. Ginawa niya lahat para makahanap ng trabaho sa Pinas para makasama ako. Ginawa nga niya. Akala ko nung una nagbibiro lang siya. Suddenly he called me na nasa airport na siya at susunduin niya ako sa trabaho ko sa Makati.
Pagkatapos ng trabaho ko. Sinalubong niya ako na may dala siya isang malaki stuff toy na baboy. Tawagan kasi namin is BabyPig. Sobra laki nung stuff toy ni hindi ko na ito mahawakan or mayakap. Payat pa kasi ako dati. Inaya niya ako kumain sa labas. Nagpunta kami sa Tokyo Tokyo.
Finally I met you, I can't express my happiness seeing you. I love you. Are you happy to see me?
I am speechless kasi english char. Kasi sobra effort lang na puntahan ka sa sariling mong bansa para lang i pursue niya ako. Eto yung araw na naging official na kami. Nakatira siya sa condominum. Ako naman sa isang apartment sa Pasig.
Hinatid niya ako pauwe. Grabe no ang gentleman kahit hindi siya familiar sa Philippines. Nag grab lang kami. Ang dami niya dalang pasalubong galing sa bansa niya. Nakatulog na lang ako na ang haba ng ngiti. Feeling ko forever ko na siya. Feeling ko lang pala.