Love Love Love ♥

33 3 0
                                    

Feb. 3, 2013

Yung taong hindi ko pinapansin o napapansin noon ay siya pa lang makakapag pasaya sakin ngayon.

Sabi nila kapag HighSchool ka pa lang huwag kang mag-boyfriend/girlfirend mag focus ka sa pag aaral mo.

Pero dahil nga sa pasaway ang mga kabataan syempre may ilan na hindi ito sinusunod bilang bahagi na rin siguro yun nang pag laki at syempre dumadating talaga sa atin yung may makikilala tayo na maituturing nating espesyal at ma-inlove!

Ang sarap kaya sa feeling nang ganun, yung inlove ka! diba?

Alam mo na may nag aalala sayo, yung may mga mababsa kang sweet na text messages

bukod sa mga text ng mga kaibigan mo.

Oo napapangiti ka rin sa mga text nila dahil alam mong mahalaga ka sa mga kaibigan mo

pero diba? iba pa rin yung feeling pag galing sa mahal mo?

Ang mga lalaki pare-pareho lang sila!

Kapag sinabi mo ito sa kanila isa lang din ang isasagot nila

"hindi ah! hindi lahat ng lalaki pare-pareho".

Noon talaga hindi ako naniniwala pero totoo nga na kapag nasaktan ka nung una, niloko ka ng pangalawa,

hayaan mo baka sa susunod seryoso na siya!

Dahil hindi talaga lahat ng lalaki ay pare-pareho talagang mahilig lang sila mag-explore makaranas nang medyo kakaiba, Pero hindi naman ibig sabihin nun ay puro na silamga manloloko, sinungaling tulad ng tingin ng iba sa kanila. Meron at meron pa din nakalaan sayo para maramdaman mo na may pag kakaiba sila at kapag may nag seryoso sa iyo wag na wag mo nang pakawalan. Sayang baka makuha pa nang iba.

Patagalan o Patatagan?

Patagalan? sarap kaya sa feeling nun yung maipagmamalaki mo na matagal na kayo. Kahit sabihin pa nang iba na wala yan sa tagal ng relasyon nasa pinagsamahan yan! pakatotoo tayo paano kayo magkakaroon ng mga magaganda o kahit malungkot na din na mga pinag samahan kung di kayo tumagal?

Patatagan? may mga hadlang talaga tao man, bagay , pagkakataon o tadhana. hmm tadhana? sige na nga isama na rin natin.

Habang tumatagal syempre hindi maiiwasan na may mga hadlang o maging hadlang sa inyo. Tao, eto yung mga epal! (hmm epal pangit ng term) osige eto na lang may mga TAO talaga na sadyang hindi kaya maging masaya para sa inyo may dalawang klase yan, isang naiinggit na gusto kayong paghiwalayin at yung isa naman isang ambisyosa na na nagangarap na sana siya ang nasa katayuan mo.

Ganyan talaga parte yan ng relasyon niyo! Kaya nga dapat magpakatatag para tumagal :))

Mahal ka niya, mahal mo siya, kumplikado ang lahat :l

Parang sa math lang yan (yess ! may alam ako sa math XD)

Sabi nga ng teacher ko sa Algebra nung Highschool Simplify to lowest term.

Kumabaga huwag natin gawin kumplikado ang lahat mahal mo siya at mahal ka niya Solve the problems and stay together

Nasayo na yan kung maiintindihan mo o hindi.

Hindi Math equation ang Love para ikaw ay maguluhan.

Anong status mo?

Masarap daw maging single, sige sang-ayon naman ako diyan!

Pero mas masarap ang nasa in a relationship lalo na kung alam niyo ang mga limitasyon niyo at alam niyo kung gaano niyo kamahal ang isa't isa.

Ano man status mo ngayon sundin mo lang ang PUSO mo. Sige ka, sa huli baka magsisi ka!

LOVE LOVE LOVE

- janine ♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Love Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon