Baby Thesis

236 2 3
                                    

March 27, 20**

2 years. Eksaktong 2 years na simula nung magbago ang buhay ko.

Hindi ko alam na ang thesis na gagawin namin ang magiging daan para tuluyang mag-iba ang ikot ng mundo ko.

***

"Shift na tayo!"

"Oo nga! Go!"

"Nagsisisi na ko bat kinuha ko pa tong course na to!"

"Matapos lang to magpapa-party talaga ako!"

"Eto na talaga to!"

"Bankrupt -_-"

"Puyatan na!"

"See you soon eyebags."

"Dre akin maleta for sure."

"5-story building sakin tol."

"Walang kaibigan-kaibigan ngayon" >:(

"Goodluck satin mga classmates!"

Nagtataka kayo kung bakit nalang ganyan makapagreact ang mga tao? Eh kasi nga gagawa na kami ng thesis namin.

3rd year college na kami at sa loob ng tatlong taong pagdurusa, 14 nalang kaming naiwan at nakasurvive.

Thesis na to, kaso nga lang first 3 chapters palang ang gagawin namin. Tapos sa dulo ng sem eh ipi-present namin to at kapag nakapasa, yung remaining chapters eh itutuloy next school year, bale 1st sem ng 4th year. Kapag naman hindi pumasa eh ibabasura at kelangang mag-isip at gumawa ka na naman ulit. Simple as that.

Dahil nga 14 lang kami, ang groupings eh dalawang 4 at dalawang 3. So para walang dayaang magaganap, bunutan ang paraan ng pagdetermine ng kagrupo.

At ayun nga, nagbunutan na kami.

Group 1 - Cam, Joseph, ako at Sheira

Group 2 - Louie, Rex, Pao, Jen

Group 3 - Raine, Rox, Divine

Group 4 - Leo, Hazel, Patrice

"Sayang, di tayo magkagrupo." - ako

"Oo nga. Oy Joseph, palit tayo!" - Pao

"Sows, ayaw talaga mahiwalay sa labidabs dre?" - Rex

"Walang dayaan dre! Nagbunutan na nga eh." - Joseph

"Ayaw mo ah!" - Pao sabay suntok kay Joseph

At dahil dun, tuluyang namaalam si Joseph. Joke :D

Si Pao, labidabs ko yan. Hindi official na kami pero parang ganun na rin. Hinihintay kasi namin na mag-20 kami tapos ayun na. Hindi naman dahil sa ayaw ng parents namin na magkaroon kami ng relationship kaya ganun, actually kilala na nga namin ang pamilya ng bawat isa at ok naman sila dun. Kumbaga personal choice na rin namin to. Magtu-2 years na kaming MU this coming March. "Reserved" ang status naming dalawa. Gets nyo? Basta ganun.

"Dre wag kang mag-alala. Babantayan ko labidabs mo." - Cam

"Pramis, walang makakalapit na lalaki dito." - sabay akbay sakin ni Joseph

Binatukan na naman ulit na Pao. Kukulit talaga nila. "Kamay mo!"

Nagtawanan naman lahat.

Baby ThesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon