I thought none will be able to see what I did in the court, to my surprise, meron pala. And to think that she, out of those audiences really noticed it, wow ha? I presumed that there’s something with this Idiotic Queen. Ano kayang mata meron siya?
Another Clash Thingy…..
Kylie’s POV
“Ang bilis ni Prof. magsalita. Hindi rin talaga nagmamadali ah.” Nakatapos na naman kami ng lesson kay Sir Socio. Lumabas muna kami sandali kasi may gagawin pa ko. Nagpasama muna ako kay Nyca kaya heto usapan namin.
“Naku, I’m sure walang naintindihan ang mga kaklase natin kanina. Lalo na yung mga babae? Panay kasi paganda inaatupag eh as if namang pinapansin sila.” Totoo naman kasi eh. Wala na kasi ginawa kundi yun lang eh si Pustiso Giant naman nakikinig lang sa tinuturo ng Prof namin kanina.
“Naman. Nga pala, sasama ka ba?” tanong ni Nyca sa’kin. Oo nga pala, may biglaang excursion kami. Ano ba naman this, nakakaloko lang talaga.
“Kailangan ata eh. Kaso biglaan naman kasi masyado”
“Hay naku lang, ganyan talaga dito. Pasurprise gumawa ng outdoor activity. Imagine, Tuesday na ngayon, three days before na lang para makapaghanda!”
“Kaya nga eh. Hay tara na nga bilisan na natin. Loko kasing printing shop yan, kailangan pang paghintayin ang customer daming alam kainis!”
“Bakit hindi ka nagreklamo nung time na nagpa-print ka ng papers natin dun sa shop? Kung kailan makukuha mo na, tsaka ka diyan nagbubunganga.”
“Naman eh, nagdadrama na nga ganyan ka pa.” Minsan ang sarap na lang manahimik kapag kasama ko tong si Nyca, imbis na dadamayan ka, lalo ka pang pagsasabihan. Ewan ko talaga sa babaeng ‘to. Anyways, lumabas na nga kami ng campus para kunin yung papers ko. Buti nga sandali lang din kami naghintay para makuha iyon kung hindi..
Asan na ba yung armalite at shot gun ko?
Nakabalik na kami after 15 minutes, infairness windy yung weather ngayon ah. Pumi-PH Care tuloy yung feeling ng mga babae dito.
“Kylie ingatan mo nga yang hawak mo. Kung anu-ano ginagawa mo mamaya niyan liparin pa.”
Saway ni Nyca, naku talaga.
“Easy lang Nyc’s. Ako pa.”
Heto na nga, kakatapos lang akong warningan ni Nyca nang biglang humangin ng sobra at hayun!!
“Yung papers ko!!” karamihan sa mga papel ko nilipad! Naku naman lagot ako kapag nawala isa dun! My gosh habol-talon tuloy ang gawa namin ni Nyca.
“Kylie naman kasi eh! Sinasabi ko na nga ba!”
“oo na may sinabi ka na!” panay pa rin kami habol sa mga papers na nilipad. Kapagod lang tumalon-talon hah! Ang taas, lesheng hangin na ‘to.
“Yan may pa-easy easy ka pang nalalaman diyan!”
“Wag ka nang manermon, tumulong ka na lang diyan kasi eh!”
Nagmumukha na talaga kaming mga baliw sa pag-abot ng mga hard copies ko. Eto namang mga tao sa paligid hindi man lang kami tinutulungan! Ano ‘to? Tv? Pinapanood lang kami? Entertainer ba kami para tingnan lang? Like Hello? Tulong kaya? Ang tatangkad ng mga lalaki dito oh!!
“Joshua, natitimang na naman yung pinsan mo.”
“Hah bakit?”
“Ayun oh, parang mga sira. Alam nang mahangin hindi man lang hinawakan ng maayos yung mga papel, yan.”
BINABASA MO ANG
Fight At First Love?!
HumorI hate fools, They are more innocent than anything. I hate nice, They’re too vulnerable to be hurt. I hate innocents, It makes me mad if someone makes fun of them. And I hate her, For she wakes up my protective instinct that I have buried long time...